Ricci Rivera, nagsalita na patungkol sa hiwalayan nila ng aktres na si Andrea Brillantes

Binasag na ng basketball player na si Ricci Rivero ang kanyang pananahimik patungkol sa dahilan ng kanilang hiwalayan ng aktres na si Andrea Brillantes.
Photo credit to the owner

Kamakailan ay kinumpirma mismo ni Ricci ang hiwalayan nila ng aktres sa pamamagitan ng isang Twitter post. Ito ay matapos siyang ma-link kay Beauty Queen at Los Banos, Laguna Councilor Leren Mae Bautista.

Nitong Lunes, Hunyo 26, sa programang Fast Talk with Boy Abunda, sinabi ni Ricci na noong buwan ng Abril daw nang mapagdesisyunan nila ni Andrea na mag-cool off.

“Marami na rin po kaming sinusubukang ayusin na problema personally. Hindi naman siya sa may kasing ganito, or may kasalanan or whatsoever. Siguro doon lang sa the way we are sa isa’t isa din ‘di ba. Marami naman siyang pwedeng factors. [It] could be ‘yung maturity naming pareho, pwedeng for whatsoever reason lang. So may mga inaayos kami na sa’kin normal naman para sa isang relationship,” aniya.

“Siguro kailangan lang ng breather, something like that,” saad pa niya.

Ayon kay Ricci, umaasa pa raw siyang maaayos nila ni Andrea ang hindi pagkakaintindihan pagkatapos ng naturang cool off. Ngunit pagdating ng Mayo ay natuluyan na nga ang kanilang hiwalayan dahil umano sa mga pagdududa ng aktres.

“‘Yung breakup was first week ng May talaga,” saad ni Ricci. 

“Yung cause ng breakup was ‘yung speculations ngayon, ‘yung kumakalat sa social media. ‘Yung may nakita siyang girl do’n sa place ko, pero ilang beses naman po naming pinag-usapan ‘to, as in sobrang daming beses na sinabi ko sa kaniya with all the evidence that I have, kasi may mga conversations even with my friends, na hindi po sa’kin ‘yung girl,” ani Ricci.

“May papuntang friend ako ng midnight or madaling araw tapos hindi ko naman alam na may kasama siya. Tapos ‘yun yung inabutan niya (Andrea) that time.”

Ang naturang babae umanong pinagselosan ni Andrea ang siyang kumalat na video online. Naunawan din naman daw ni Andrea ito at naging maayos ang kanilang pag-uusap pagkatapon noon.

Itinanggi naman muli ni Ricci na may kinalaman si Leren sa naturang hiwalay nila ni Andrea, at wala raw silang relasyon.

Matatandaanang pinabulaanan din ni Bautista nitong Hunyo 12 ang usap-usapang mayroon siyang “romantic involvement” ni Ricci.

Saad ni Ricci, binasag na niya ang kaniyang katahimikan dahil maging ang pamilya umano niya ay naaapektuhan na rin sa isyu.


***
Source: Balita

Post a Comment

0 Comments