Kambal na anak ng isang 19-year-old na babae, magkaiba ang ama

Sa isang article ng Brazilian news outlet na Globo, isang 19-year-old na babae ang nanganak ng kambal ngunit magkaiba umano ang ama ng mga ito.
Photo credit to the owner

Kwento ng babae, nakipagtalik raw siya sa dalawang lalaki sa magkaparehong araw siyam na buwan bago siya manganak.

Nang nasa walong buwan na ang kambal ay napaisip siya kung sino nga ba talaga ang ama ng kanyang mga anak. Kaya naman sinubukan niyang isailalim ang mga sanggol sa paternity test sa isa sa mga lalaking kanyang nakasiping noon.

Subalit, nagulat siya pagkalabas ng resulta dahil isa lamang sa kambal na sanggol ang tumugma sa paternity test. 

Dahil dito ay kinausap rin niya ang isa pang lalaki na kanyang nakasiping noon upang dumaan sa DNA test na kalaunan ay positive ang naging resulta para naman sa isa pang sanggol.

"I was surprised by the results. I didn't know this could happen. They are very similar," sabi ng 19-anyos na babae.

Samantala, hindi raw ito imposible ayon sa attending physician ng babae na si Dr. Tulio Jorge Franco. Ang tawag raw sa ganitong pangyayari ay "heteropaternal superfecundation.”

Matatawag raw ang ganitong pangyayari na ‘rare’ ngunit hindi imposible.

"This pregnancy happens when two eggs from the same woman are fertilized by different men. In this case, the genetic material of the parents is different and the eggs of the mother are also different. The babies develop together in the same pregnancy, but each one in its own placenta," paliwanag ni Dr. Franco.

Ayon naman sa Obstetrics and Gynecology by professor Amos Grunebaum, ang “Heteroparental superfecundation” ay maaring mangyari kahit sa magkaibang araw makipagtalik ang babae dahil kaya raw mabuhay ng sperm cells sa loob ng limang araw.
Photo credit to the owner

Dagdag ni Dr. Franco, hindi raw ito ang kauna-unahang pangyayari na magkaiba ang ama ng kambal. Sa katunayan ay ika-20th case na ito sa buong mundo.

***
Source: Philstar

Post a Comment

0 Comments