Mag-asawang motovlogger, parehas nasawi habang nagra-ride sa highway ng Marilaque

Nakakapanlumo ang sinapit ng mag-asawang nasawi habang nagra-ride sa Marilaque highway nitong Nobyembre 13, 2022.
Photo credit to the owner

Sa mga videong lumabas sa social media, makikita ang tindi ng pinsalang tinamo ng mag-asawa na sina Jhogg Algoso at Paula Algoso.

Ang mas nakakalungkot pa ay apat na anak ang naiwan ng mag-asawa.

Kinumpirma sa social media ng pinakamatandang anak nila na si Erlisha ang nangyari sa kanyang mga magulang.

“It is with our deepest sorrow to inform everybody of the death of our beloved parents: Paula Judi Nangyo Algoso Raymond Algoso For those of you who are concerned about my siblings, we are fine, and my family is with us right now.” aniya.

“We are still working on the details for the funeral. We will keep you informed. But right now, prayers are we needed during this hard times. Thank you so much.” dagdag pa niya.

Nag-viral din sa social media ang huling post ng mag-asawa bago sila mag-ride.

Dahil sa nangyaring insidente, nabuhay muli ang diskusyon patungkol sa pagbabawal ng mga motorsiklo sa nasabing highway.

Ang Marilaque ay kilalang tambayan ng mga riders kung saan ay ginagawa pa nila itong karerahan.

Maraming aksidente na ang nangyari sa Marilaque kung saan sangkot ang mga naka-motorsiklo.


***

Post a Comment

0 Comments