Sen. Cynthia Villar huli sa camera ang pakikipag-usap sa mga informal settlers: “Hindi kayo pwedeng dumaan dito!”

Umani ng pambabatikos mula sa mga netizens si Senator Cynthia Villar matapos kumalat sa social media ang video nitong sinisigawan ang isang security guard.
Photo credit: PinoyTrend

Matatandaan na noong Abril 19, isang netizen ang nag-upload ng video kung saan makikita si Villar na inuutusan ang security guard na alisin ang metal barriers sa kalsada.

“Umalis ka dyan! Tanggalin mo!” sabi ni Villar.

“Ako nagtanggal ng lahat ng sq squatter dito. Hindi ko nga ito napakinabangan eh, ngayon ikaw na ang nakikinabang,” dagdag nito.

Samantala, isa nanamang video ang kumakalat sa social media kung saan makikita si Villar na pinagsasabihan ang ilang informal settlers na nakatira sa Zapote River Drive.

Maririnig sa video na sinasabihan ni Villar ang mga informal settlers na huwag gamitin ang gate na kanilang ginawa dahil papasok sila sa private property.

Aniya, gumawa na raw siya ng public road upang doon dumaan ang mga informal settlers at maiwasan ang pagpasok nila sa private road.

“Owned by the government dito. Hindi kayo pwedeng dumaan dito. Talagang ganyan. pag kayo ay lumugar sa lupang walang right-of-way, problema mo ‘yan!” sabi ng senador.

“Wala kayong karapatan dito, easement ito ng ilog! Isara mo ‘yan. Ako, pinabayaan ko kayong dumaan dito, anong ginawa niyo? Dinadaan niyo rito yung motor niyo, kaya nagkagulo-gulo kami rito. Matigas ang ulo niyo e!” dagdag niya.


***

Post a Comment

0 Comments