Mainit na usapin ngayon sa social media ang Facebook post ng social media influencer-actress na si Donnalyn Bartolome patungkol sa mga empleyadong malungkot umano dahil tapos na ang holiday season at kailangan na nilang bumalik sa trabaho.
Kim Atienza at Donnalyn Bartolome / Photo credit to the owner
Ayon kay Donnalyn, nagtataka siya kung bakit may mga taong nalulungkot sa muling pagbabalik-trabaho matapos ang mahaba-habang bakasyon.
Aniya, dapat daw masaya sa pagpasok dahil may blessing ng trabaho. Kung siya nga raw ang tatanungin, bet niyang magtrabaho sa unang araw ng Enero para may tuloy-tuloy na trabaho sa buong 2023.
“Bakit may sad dahil back to work na? Diba dapat masaya ka kasi may chance ka na pagandahin buhay mo at ng pamilya?” saad sa viral Facebook post ni Donnalyn.
“Trip ko pa nga may work ng January 1 dahil superstition ko may work ako buong taon pag ganun. Dapat grateful kasi may work. If work makes you unhappy, I hope you find a job that will. Yung pakikiligin ka and sheet. Anyway, this is just a reminder that having a job is a blessing bessss change mindset, it’s 2023!!” dagdag niya.
“To do something you enjoy and get paid for it is a blessing. Some are not blessed this way despite the fact that they try so hard to find work they enjoy. They are blessed differently naman. A good wife? Beautiful kids? Good health? Iba iba ang blessings. Ibat iba din ang diskarte sa ibat ibang break sa buhay. Just my 2 centavos. Back to you guys,” ani Kuya Kim.
Sa comment section ay sinabi naman ni kuya Kim na hindi niya intensyon na batikusin si Donnalyn.
“Good morning FB fam! This post is not meant to put down Donnalyn in any way. She is coming from a good place. The post just hit a raw nerve on the majority of the working public. Mabait si Donnalyn.”
***
0 Comments