Dating misis at bagong partner ng isang lalaki, nagkasalubong sa isang mall

Tila itinadhana ang pagkakasalubong ng dating misis at bagong partner ng isang lalaki sa isang mall sa Bacolod City.
Photo credit to the owner

Sa isang video na ibinahagi ng Facebook page na ‘Iloilo News Online’, mapapanood ang pagrarambulan ng dalawang babae na nakasuot ng puti at itim habang ang inaawat naman sila ng isa pang lalaki.

Ayon sa Daily BNC News, ang babaeng nakasoot ng itim ay nakilala na si Darlyn Sacare at ayon sa kanya ay hindi siya ang nag-umpisa ng away kundi ang babae na nakasoot ng puti na kasalukuyan palang kinakasama ng kanyang dating asawa.

Aniya, dalawang taon na silang hiwalay ng kanyang mister kaya wala siyang dahilan upang gumawa ng masama laban sa bagong partner ng kanyang asawa.

Ibinahagi rin nito na mayroon silang dalawang anak ng kanyang dating asawa.

Hindi naman nabanggit sa post kung paano nag-umpisa ang engkwentro ng dalawang babae.

Sa ngayon ay hindi pa nagsasalita ang babaeng nakasoot ng puti sa nasabing video.

Ayon sa isang pag-aaral noong 2018 ay umabot na diumano sa 1,211,262 ang mga Pilipino na nag desisyon na makipaghiwalay na sa kanilang kinakasama. Mas mataas ito sa 893,167 noong 2010.

Panoorin ang nasabing video sa ibaba:



***
Source: Daily BNC News

Post a Comment

0 Comments