Mga anak ng isang Pinay OFW, pinabiyahe ng employer sa Singapore para magkasama sila sa Pasko

Isang Singaporean ang nagbahagi ng kanilang kakaibang Christmas gift para sa kasambahay na isang Pinay Overseas Filipino Worker (OFW) na nakilala sa pangalang Erma.
Photo credit to the owner

Ayon sa post ni Zach Leong, “Our helper Erma hasn’t seen and been with her two kids, Liezel & Liezoo, for almost 6 years.”

Dahil hindi na masyadong mahigpit ang protocols o restrictions sa C0VI1D-19, plano ng OFW na umuwi muna ng Pilipinas ngayong December para makasama ang mga anak sa loob ng isang buwan.

Pero ayon kay Zach, “My wife and my second son are leaving for Europe for the whole of December till January 3 [2023].

“Therefore it will be almost ‘Mission impossible’ for me to take care of the other two little ones and all the house chores.”

Wala umano siyang nagawa kundi sabihin kay Erma na mahihirapan siya na payagan ito na umuwi sa Pilipinas para makita ang mga anak.

“And hope that she can postpone it to June 2023.”

Dahil dito, tinawagan ni Erma ang mga anak at sinabing hindi na siya makakauwi ngayong Disyembre.

Pero ani Zach, “Her eyes showed some disappointment as they value Christmas and New Year as the important festive seasons for the family.

“God touched my heart telling me that there must be another alternative for this matter.”

Isang ideya ang bigla niyang naisip.

“She might not be able to go back to the Philippines to be with her kids, MAYBE we could bring her kids to Singapore to spend their holiday with their mummy and us!”

Sinabi ito ni Zach sa kanyang misis at pumayag naman ito.

“And we were so thrilled wanting to bless Erma and her kids for this holiday and eager to see this happen!”

Sinabi niya kay Erma ang magandang balita.

“She broke with tears, full of surprise and joy. She said her children never take plane before and had never gone oversea before.”
Photo credit to the owner

Muling tinawagan ni Erma ang mga anak upang ibalita ang masayang balita.

Ayon kay Zach, sumisigaw sa tuwa si Erma habang kausap ang mga anak.

“We paid for all the costs and expenses for this to happen.

“The domestic flight tickets to Manila Airport and air tickets to Singapore, the applications of the passports and visas, endorsements at the embassy, the insurances.”

Banggit pa ni Zach, “The amount is way off my initial projected cost! But it’s truly our way to show our love and appreciation to Erma for her dedication to our family.”

Kaya nang dumating na ang mga anak ni Erma sa Singapore, tuwang-tuwa rin ang pamilya ni Zach.

Nag-post pa siya ng video nang pumunta sila sa airport para sunduin sina Liezel at Liezoo, at makikita kung gaano kahigpit nagyakapan ang mag-iina.


***

Post a Comment

0 Comments