Usap-usapan ngayon sa social media ang pagbabahagi ng kontrobersyal na basketball player ng Jose Rizal University (JRU) Heavy Bombers na si John Amores na nakatanggap siya ng liham mula kay Vice President Sara Duterte.
VP Sara Duterte at John Amores / Larawan mula Google
“It’s my pleasure receiving this kind of gesture from our dearly VP Sarah Duterte,” ani Amores sa kaniyang Instagram post.
“’Remember the lesson not the mistake, you have a friend from the Office of the Vice President’ It was a great honor Mam thank you for those words of encouragement.”
Malaking bagay raw kay Amores ang mensahe ng Pangalawang Pangulo ng bansa kaya ipapa-frame daw niya ito.
Para kay Amores, napakalaking bagay raw ng mensahena ibinigay ng Pangalawang Pangulo ng bansa kaya ipapa-frace daw niya ito.
“Ps. Ipapa frame ko to as a remembrance na sa dami ng bashers at negative critics, may isang tao na ipapaalala sa’yo na mahalaga ka kahit di mo kaano-ano. I won’t lose hope, somewhere in between in the darkest season of my life there’s still a light,” ani Amores.
Matatandaan na tuluyan ng napatawan ng indefinite suspension sa paglalaro sa National Collegiate Athletic Association o NCAA Season 98 si Amores, matapos ang insidente ng panunugod at pananapak niya sa dalawang teammates ng kalabang College of St. Benilde-Blazers noong Martes, Nobyembre 8.
***
0 Comments