Dating aktor na si Roderick Paulate, sinentensyahan ng hanggang 62 taon na pagkakakulong

Sinentensyahan ng Sandiganbayan ng hanggang 62 taon na pagkakakulong ang dating aktor at dating konsehal ng district 2 Quezon City na si Roderick Paulate.
Roderick Paulate / Larawan mula PEP

Napatunayang guilty si Paulate sa “one count of graft at nine counts of falsification of documents” dahil sa diumano’y pagkuha nito ng mga ghost employee noong 2010 sa gitna ng kanyang termino bilang konsehal.

Pinagbabayad din ng P90,000 ang dating konsehal dahil sa kanyang ginawang ‘falsification of documents’ upang makakuha diumano ng mga ghost employee.

Maliban pa dito ay pinagbabayad din siya ng P1.109 milyon dahil sa nakuha niyang pera mula sa Quezon City Government.

Ayon sa korte ay nakita nila na:
  1. job order employees have no records of birth;
  2. none of the job order employees have requested a National Bureau of Investigation (NBI) clearance;
  3. the job order employees could not be located at their given residences;
  4. the job order employees were not registered voters of their respective barangays; and
  5. the job order employees have no record in the schools where they allegedly attended
Habambuhay na rin na hindi makakatakbo sa public office ang dating komedyante.

Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag ang aktor patungkol sa naging desisyon ng korte laban sa kanya.

Si Paulate ay tumakbo noong 2019 bilang Vice Mayor ng Quezon City ngunit hindi ito pinalad na magwagi.

Nitong nakaraang halalan 2022 ay tumakbong muli si Paulate ngunit natalo nanaman ito.


***

Post a Comment

0 Comments