Ai-Ai Delas Alas, ibinulgar kung sino ang isang ’StarStruck’ alumnus na late comer

Usap-usapan ngayon ang pagbuking ni Comedy Queen Ai Ai Delas Alas patungol sa isang ’StarStruck’ alumnus na super late daw dumating sa location ng kanilang shooting noon sa isang pelikula.
Ai Ai Delas Alas at Rainier Castillo / Larawan mula Google

Sa isang video, inamin ni Ai Ai na naloka siya sa isang sikat na sikat na produkto noon ng nasabing talent-search ng GMA Network.

Ayon pa kay Ai Ai, napagsabihan daw niya ang naturang StarStruck alumnus subalit tila dinedma lamang daw siya dahil kasagsagan ng kasikatan nito noon.

Maya-maya, pinangalanan ni Ai Ai ang alumnus ng StarStruck na binabanggit niya.

“Sino nga ‘yon… yung si Smiley… yung smile yung talent niya… si Rainier!” bulalas ni Ai Ai.

Ang tinutukoy ni Ai Ai ay si “Rainier Castillo” na kasabayan nina Jennylyn Mercado, Mark Herras, at Yasmien Kurdi noong season 1 ng StarStruck.
Rainier Castillo / Larawan mula Google

“Nagsho-shooting kami ‘day, ang call time niya 8AM dumating si Lolo mo, 3PM! Wala ng araw! Naloka sa kaniya si Direk…”

“Natatandaan n’yo ba ‘yon? Naloka sa kaniya yung direktor kasi nga wala na yung araw…”

Sikat na sikat at talagang tinitilian daw talaga si Rainier sa kasagsagan ng kaniyang kasikatan noon. Paglalarawan pa ni Ai Ai, nagsasampalan daw ang mga babaeng faney para lang masilayan siya, bagay na nasaksihan niya sa kaniyang mismong harapan.

Sa ngayon ay hindi na aktibo sa showbiz si Rainier. Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang dating aktor patungkol dito.

Panoorin ang video sa ibaba:


***
Source: Balita

Post a Comment

0 Comments