Netizen, ipinagtanggol si John Amores: “Mabait na tao at bilib ako sa kanya”

Isang netizen at nakalaro ng kontroberstal na basketball player ng JRU Heavy Bombers na si John Amores ang naglahad ng kanyang saloobin.
Carlo Gatmaitan and John Amores / Photo credit to the owner

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Carlo Gatmaitan na hindi masamang tao si Amores.

Aniya, hindi panghuhusga ang sagot sa nangyaring sigalot sa isang NCAA game noong Martes dahil kay Amores.

Kwento niya, minsan din siyang nabato ng bola ni Amores nang makalaro niya ito sa basketball ngunit nadiskubre niyang hindi naman pala masamang tao ang player nang maging kakampi na niya ito.
 John Amores / Photo credit to the owner

“Hindi pag husga ang susi sa nangyari sa laro.alam naman naten na mali pero hindi naten alam yung dahilan kung bakit sya nag ka ganun.

“Alam naten na mali yung naging disisyon at nagawa nya sa laro pero sa tingen ko makakausap at gabay ang kailangan nya ngayon.

“Nakalaro koto si amores kase tubong pagsanjan laguna to.nung kasagsagan nang kahigpitan nang basketabll nun.nag away din kami neto sa laro binato ko nang bola neto habang nakahiga ako.tapos binawiaan ko kagad to pag lay-up neto sinuntok ko sa sikmura to.tapos nag katinginan lang kami nang di maganda.pero hindi naman kami umabot sa nag kagulo din yung laro na halos malaki din yung perang pusta.

“Tapos nung susunod na may makakalaban kami na grupo.nakakampi koto silang magkapatid na amores.mabait silang magkapatid.mabait to bilib nga ako dito lagi pang kinakausap yung kakampi nya tinuturuan nang tamang gagawin.mabait tong player nato,” ani Gatmaitan.

Nanawagan siya sa publiko na huwag gawing masamang manlalaro si Amores.

“Sana wag naten gawing masamang manlalaro tong si amores. pare parehas tayong nag lalaro at alam naten sa sarili naten dumadating din yung pag kakataon na nagagalit/napipikon at napapaaway din tayo sa laro.”

“Sa ngayon Kailangan neto yung maayos na makakausap na mga coaches at lalo na yung mga beteranong player na kilala talaga na mabibigyan sya nang magandang payo tungkol na nagawa nya.”

“Sana hindi dito matapos yung pangarap nung player nato sa basketaball sana mabigyan pa nang pag kakataon maiayos yung maling nagawa at mabigyan pa ulit nang pag kakataon makalaro.”

“Bigyan kapa sana brother nang pagkakataon na ma tama mo yung maling nagawa mo."


***

Post a Comment

0 Comments