Inaresto ang isang babae mula sa bansang Thailand matapos itong mag-mukbang ng paniki sa kanyang Youtube channel.
Photo credit to the owner
Sa kanyang Youtube account, in-upload ni Phonchanok Srisunaklua ang kanyang video habang pinapapak ang humihigop ng sinabawang paniki na may kamatis.
Ayon kay Phonchanok, itinuturing raw na “delicious” ang paniki sa kanilang bansa.
Mapapanood sa video ang paglapang ni Phonchanok sa paniki at isinasawsaw pa ito upang magkaroon ng sauce.
Mabilis na nag-viral ang video ni Phonchanok at kahit burado na ito sa ngayon, inaresto pa rin siya ng awtoridad dahil sa “for possession of protected wildlife carcasses, and for violating the Computer-Related Crimes Act of 2007 by uploading the clip.”
Photo credit to the owner
Ayon sa isang report ng TMZ, maaari umanong maharap sa limang taong pagkakakulong ang nasabing vlogger.
Humingi na ng paumanhin si Phonchanok sa kanyang social media account para sa mga tao umanong naapektuhan ng kanyang ginawang pag mukbang ng paniki. Inamin rin niya na hindi muna siya nag-isip bago gawin ang nasabing video.
Ayon naman sa report ng Yahoo News, nagpapaalala ang Department of Disease Control sa publiko na iwasan ang pagkain ng paniki dahil madali umanong makakuha ng sakit mula sa mga ito.
“Feces alone can cause respiratory infections,” sabi ng Department of Disease Control.
“I was shocked to see it in the clip now because the incident should not happen both in Thailand and around the world. It is very risky behavior, especially as bats have a lot of pathogens,” ito ang naging reaksyon ng veterinarian na si Pattaraphon Manee-on mula sa Department of National Parks, Wildlife, and Plant Conservation, nang mapanood ang video ni Phonchanok.
“There is no proof that the hot water temperature will actually kill the germs. Just touching the saliva, blood, and the skin is considered a risk,” dagdag ni Pattaraphon.
***
Source: Philstar
0 Comments