Lalaki, pumanaw habang nasa gitna ng pakikipagtal*k sa kanyang 20-anyos na babae

Natuluyan at hindi na nadala pa sa ospital ang isang 37-anyos na lalaki matapos itong masawi sa loob ng motel kasama ang kanyang 20-anyos na babae.
Photo credit: Cebu City News

Sa Facebook post ng Cebu City News, inatake umano sa puso ang lalaki na isa palang van driver habang nasa kalagitnaan ng pakikipagtal*k sa kanyang babae.

Naging mabilis ang pangyayari na ikinagulat naman ng kanyang kasama sa loob ng motel.

Agad itong humingi ng tulong sa mga hotel staff at mga otoridad ngunit huli na ang lahat.

Sa ngayon ay alam na ng asawa ng lalaki ang malagim na nangyari. Kinompronta rin niya ang babae na huling nakasama ng kanyang mister.

Nakatanggap naman ang nasabing ulat ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.

Ang ilan ay nagpakita rin ng simpatya sa asawa ng lalaki dahil sa tila doble ang sakit na nararamdaman nito ngayon.

“Ang bilis ng karma,” sabi ni Grace Biason.

“Yung tipong na ded kana tapos nabuking kapa ng misis mo. RIP,” wika ni Nasser Saiyadi.

“Yong gusto mong makarating sa langit, kaya pinagbigyan kana ni lord,” saad ni Queenie Ariate.

Iniimbestigahan pa hanggang sa ngayon kung mayroong ‘foul play’ na nangyari.


***

Post a Comment

0 Comments