"I have no idea:" Empleyadong nag-relocate sa Canada para magtrabaho sa Meta (Facebook), nasibak after 2 days

Nakakalungkot ang nangyari sa isang Indian national na kasama sa mga tinanggal na empleyado ng Meta, ang parent company ng Facebook, Instagram, at WhatsApp.
Photo credit to the owner

Si Himanshu V ay kasama sa 11,000 employees na sinibak sa Meta matapos lamang ang dalawang araw sa trabaho.

Kuwento ni Himanshu sa kanyang LinkedIn post: "I relocated to Canada to join #Meta and 2 days after joining, my journey came to an end as I am impacted by the massive layoff.

“My heart goes out to everyone facing a difficult situation right now.''

Sambit niya, wala siyang idea kung ano ang kanyang gagawin ngayon. Ang masaklap pa dito ay nag-relocate lamang si Himanshu sa Canada dahl sa kanyang trabaho.

“Honestly, I have no idea! I'm looking forward to whatever comes next. Let me know if you know of any position or hiring for a software engineer [Canada or India].''


Si Himanshu ay isang IIT-Kharagpur graduate, at nagtrabaho na sa ibang I.T. service management company, gaya ng GitHub, Adobe at Flipkart.

Maraming netizens na nakakita sa post ni Himanshu ang hindi makapaniwala sa nangyari sa kanya. May mga nagbigay ng leads para sa job opportunities, at nag-share ng links ng mga kumpanyang may hiring ng software engineers.

Isinapubliko ng Meta ang planong pagbabawas ng mga empleyado, at sinimulan ito noong November 10.

Mismong ang Meta Chief Executive na si Mark Zuckerberg, ang nag-anunsiyo nito sa isang blog post.

Ang kanyang pahayag: "Today I'm sharing some of the most difficult changes we've made in Meta's history. I've decided to reduce the size of our team by about 13% and let more than 11,000 of our talented employees go."

Ang pagbabawas ng mga empleyado ay resulta ng pagbagsak ng revenue ng Meta.

Ayon sa mga analysts, bukod sa pagdami ng kalabang platform ng mga produkto ng Meta, nag-over hire din ang kumpanya noong kasagsagan ng pandemya.

Ang mga nasibak na empleyado ay tatanggap ng 16 weeks ng kanilang base pay, at two additional weeks for every year of service.

Sasagutin pa rin ng Meta ang kanilang magagastos sa healthcare sa loob ng anim na buwan.


***
Source: PEP

Post a Comment

0 Comments