“Ang kapal ng mukha mo”: Rendon Labador binanatan si Kean Cipriano matapos malaman ang katotohanan

Nagbitaw ng maaanghang na payahag ang social media influencer na si Rendon Labador laban kay Kean Cipriano na kumalas na sa kanyang bandang Callalily.
Screencap from Rendon Labador / Youtube

Noong June 2022, iniwan at kumalas na ang vocalist na si Kean Cipriano sa kanyang bandang Callalily dahil gusto na niyang mag-solo.

Ngayon ay siya na ang chairman at CEO ng sariling record label O/C Records.

Kasama ni Cipriano ang asawang si Chynna Ortaleza na nagma-manage ng recording artists sa OC Records Philippines sa nakaraang apat na taon.

Iniwan ni Kean Callalily makalipas ang 17 years na pagsasama at sinabing naging maganda ang takbo ng kanilang banda. Aniya, tapos na raw ang pagiging vocalist niya sa Callalily.

Aminado naman ang vocalista na hindi maayos ang naging hiwalayan nila ng kanyang mga dating kabanda.

Samantala, mabilis na nag-viral sa social media ang naging interview ni Rendon sa bandang LILY, ang dating miyembro ng bandang Callalily, 

Natanong din ni Rendon sa band members ang tungkol sa pag-alis ni Kean.

Ibinulgar din nila ang ilang isyung talaga namang nakakagulat.

Ayon sa grupo, kinuha raw lahat ni Kean ang royalty ng kanilang mga kanya upang sa kanya lamang ito ma-credit.

Maging ang mga kanyang sinulat ng kanilang band member na si Lem Belaro ay kinuha rin ni Kean.
Nagulat si Rendon sa kanyang mga nalaman kaya nagpakawala ito ng maaanghang na salita para kay Kean.

“Ang kapal ng mukha mo,” pahayag ni Rendon.

Panoorin ang video sa ibaba:

Narito ang komento ng ilang mga netizens:




***

Post a Comment

0 Comments