Pangarap na graduation ng estudyanteng pumanaw, tinupad ng kanyang pamilya

Hindi maitatanggi ang kasabihan na, “Ang edukasyon ang susi sa kahirapan.” Kaya naman marami sa atin ang patuloy na nagsusumikap sa pag-aaral sa kabila ng hirap ng buhay upang makamit ang kanilang mga pangarap.
Photo credit: Vanesa Encila

Ang ilan ay pinagsasabay pa ang pag-aaral at paghahanap-buhay dahil gusto nilang maiahon sa kahirapan ang kanilang pamilya.

Samantala, nakakalungkot ang sinapit ng isang graduating student na inatake sa puso isang araw bago ang kaniyang pinapangarap na graduation.

Ayon sa article ng GMA News, si Hemenz Luzada ay isang working student at iginagapang niya ang kanyang pag-aaral sa kursong Business Administration Major in Financial Management. 
Photo credit: Vanesa Encila
Photo credit: Vanesa Encila

Pursigido at punong puno ng pangarap upang maiahon ang kanyang pamilya sa hirap, ganito inilarawan ni Vanesa Encila ang kanyang nobyo na si Hemenz.

"Noong graduation ko noong 2019, nakita niya po ang picture ko. Tapos sabi niya gusto niya rin pong may picture rin kami together sa graduation niya kasi ako raw po ang nag-push sa kaniya na mag-aral,” kuwento ni Vanesa.
Photo credit: Vanesa Encila
Photo credit: Vanesa Encila

"Gusto niya rin po na may picture sila together ng familya niya. Sa magkakapatid kasi, siya ang first na maka-graduate,” dagdag ni Vanesa. 

Kwento ng pamilya ni Hemenz, June 25, isang araw bago ang graduation, sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi na nagising pa ang binatilyo. 
Photo credit: Hemenz Luzada

"Cardiåc arrést po. Nakita na lamang siya noong umaga na patay na," ayon kay Evelyn, ina ni Hemenz. 

"Wala siyang bisyo, hindi siya naninigarilyo. Sobrang sakit po [sa kalooban]." 

Dahil hindi nakadalo si Hemenz sa kanyang graduation, isang munting seremonya ang hinandog ng kaniyang pamilya at dating kasintahan.

Panoorin ang video sa ibaba:



***
Source: GMA News

Post a Comment

0 Comments