Vlogger na si Khifer Brosse, himas rehas matapos diumanong halayin ang kasintahan ng kanyang kabarkada

Kalaboso at himas rehas ngayon ang vlogger na si Khifer Brosse matapos itong makasuhan ng panghahalay.
Photo credit to the owner

Hinuli ng mga miyembro ng PNP-Cavite ngayong Enero 4, 2023 ang vlogger na si Daniel Tambulogan Butas o mas kilala bilang Khifer Brosse matapos maglabas ng warrant ang korte.

Wala pang inilalabas na pahayag ang kampo ng vlogger  patungkol sa kasong kanyang kinakaharap.

Samantala, lubos naman ang pagkalungkot ng kasalukuyang partner ni Khifer na si Sab sa nangyari lalo na’t kasalukuyan siyang nagdadalang-tao.

“Kaya mo yan baby nandito lang ako palage mag dasal ka palage para sa ikaka buti ng lahat kaya mo yan baby mahal na mahal kita ingat sa loob sana matapos na itong lahat,” sabi ni Sab sa kanyang Facebook post.
Photo credit to the owner

Ayon sa article ng Daily BNC News, sinubukan ng humingi ng tawad ni Khifer noong nakaraang taon sa kanyang biktima.

Ang biktima ni Khifer ay diumano’y isang menor-de-edad na partner ng kanyang barkada.

“Gusto ko lang din manghingi ng tawad sa kulot na jowa ni Mikel sa nangyari, pinagsisihan ko na ang lahat ng nangyari sana mapatawad niyo akong dalawa naawa nako sa mag-ina ko,” ani Khifer.

“Pinagsisihan ko na talaga sana bigyan mo ako ng last chance na ipakita sa inyong dalawa na pinagsisihan ko na ang lahat. Humihingi ako ng awa para sa kapatawaran niyo sakin para nalang sana Kel kay Sab at sa anak namin. Sobrang lutang ako walang tulog walang kain dahil sa nangyari,” dagdag niya pa.

Kung mapapatunayan na magkasala ay maaring magtagal ng maraming taon sa likod ng mga rehas si Khifer.


***

Post a Comment

0 Comments