Umani ng papuri mula sa mga netizens ang isang tindero ng mga isdang pang aquarium matapos nitong ibalik ang nalaglag na cellphone sa PHILCOA, Quezon City.
Photo credit: Leopoldo V. Geronimo Jr.
Sa Facebook post ng netizen na si Leopoldo V. Geronimo Jr., nalaman niyang nawawala ang kanyang cellphone pagbaba niya sa isang overpass.
Agad niyang binalikan ang kanyang dinaanan at nagbabakasakaling makita ang cellphone.
Maya-maya ay nilapitan siya ng tindero na kinilalang si Dennys Mahinay.
Walang pag-aalinlangang ibinalik ni kuya Dennys ang cellphone ni Geronino na kanyang napulot.
Nalaglag pala mula sa kaniyang pagkakasukbit sa bulsa ang kaniyang cellphone.
Narito ang buong post ni Leopoldo:
“Shout-out po kay Kuya DENNYS MAHINAY na nakapulot ng cellphone ko.. Pababa na po sana ako ng overpass sa may Philcoa ng dudukutin ko sana sa aking bulsa ang aking celphone, subalit nawawala pala ito… Tumalikod ako at babalikan ko sana ang aking dinaanan sabay ang sambit na ‘Hala ang cellphone ko nawawala” na narinig pala ni Kuya at walang alinlangang ibinalik sa akin ang cellphone…”
“Maraming salamat po Kuya Dennys at pagpalain Nawa kayo ng ating Dakilang Lumikha…”
Photo credit: Leopoldo V. Geronimo Jr.
“Sobrang saya ko po ng mga sandaling iyon, kasi naisip ko kung tuluyang nawala ang celphone ko, bibili na naman ako ng bago at mababawasan ang ipon ko para sana sa mas mahalagang bagay,” ani Geronimo.
“Kaya sobrang thankful po ako kay Kuya Dennys dahil personal kong karanasan na may mga tao pa palang katulad niya na hindi nag-atubiling ibalik ang hindi niya pag-aari.”
Bumuhos naman ang papuri ng mga netizen para kay Dennys.
“Ay bait naman ni Kuya. Sa hirap ng buhay ngayon, siguro kung iba lang ang nakapulot niyan, wala na iyan.”
“Mabait at tapat si Kuya. God bless sir!”
“Maraming salamat Denny’s Mahinay pagpalain po kayo. Proud dapat maging tapat na po tayo!!”
“Great job Kuya Dennys you’re a good example to us… GOD bless you more, guide and protect and your family always…”
***
Source: Balita
0 Comments