Rendon Labador kay Donnalyn Bartolome: ‘Paano umabot ng 16M followers ganito katanga?’

Basag na basag si Donnalyn Bartolome kay Rendon Labador matapos mag-viral ang social media post ni Donnalyn tungkol sa mga “sad” na empleyadong back to work na.
Rendon Labador at Donnalyn Bartolome / Photo credit: Google

“Bakit may sad dahil back to work na? Diba dapat masaya ka kasi may chance ka na pagandahin buhay mo at ng pamilya?” saad sa viral Facebook post ni Donnalyn.

“Trip ko pa nga may work ng January 1 dahil superstition ko may work ako buong taon pag ganun. Dapat grateful kasi may work. If work makes you unhappy, I hope you find a job that will. Yung pakikiligin ka and sheet. Anyway, this is just a reminder that having a job is a blessing bessss change mindset, it’s 2023!!” dagdag niya.

Umani ng kritisismo ang post ni Donnalyn dahil sa pagiging “insensitive” umano nito.

Isa sa mga bumatikos kay Donnalyn ay ang social media influencer na si Rendon.

Sa comment section ng naturang FB post ni Donnalyn, nag-react si Labador at “sinunog” ang singer.

“Hindi ko to kilala pero paano umabot ng 16M followers yung ganito katanga? Hindi naman porket nalungkot ka ay hindi ka na grateful. Hindi ka kasi makakaramdam ng ‘saya’ kapag ang kinikita mo ay pang ‘survive’ lang sa pang araw araw. Basahin mo ulit para ma gets mo.”

Maraming netizens naman ang natuwa sa sinabing ito ni Labador.

“Sa wakas agree ako sayo.”

“Sa wakas mukhang magaling na si Rendon..”

“Yung pambabash mo lang sa choco mucho volleyball player saka ito nagustuhan ko.”

“Nice one idol.”


***

Post a Comment

0 Comments