Production staff ng pelikulang pinagbidahan ni Alex Gonzaga noon, may isiniwalat tungkol sa actress-vlogger

Mainit na usapin ngayon sa social media ang viral video ng actress-vlogger na si Alex Gonzaga na nangyari sa kanyang ika-35 na kaarawaan.
John Mark Yap / Photo credit to the owner

Sa video ay mapapanood ang isang waiter na hawak ang cake habang hinihipan naman ni Alex ang kandila nito.

Pagkatapos hipan ang kandila ay agad niyang pinahiran ng icing ang noo ng waiter na tila hindi natuwa sa ginawa ng vlogger.

Dahil dito ay mabilis na nag-viral at umani ng iba’t ibang reaksyon ang ginawa ni Alex. Marami ang nainis at nagalit sa kanya. 

Samantala, isang production staff ang may isiniwalat patungkol sa ugali ng vlogger.

Ayon kay John Mark Yap, masama raw talaga ang ugali ng aktres. Palagi rin daw siya ang dahilan kung bakit delay ang shooting.

Aniya, halos lahat umano sa kanilang set ay galit kay Alex.

“As someone who has worked directly with this woman for her first film as a lead, I can personally say na masama talaga ugali ng babaeng ito!

Always the cause of delay sa shooting. Almost everyone on set hated her. She was just nice to me kasi mataas posisyon ko sa pelikula,” sabi ni Yap.

"She was even very rude to @rebranger who did a small role in that film when they were at the tent! I’ll let Reb tell that story but I swear, masama talaga ugali niya and everyone on set saw/experienced it.”


***

Post a Comment

0 Comments