Parking fee sa isang resto sa Pasay City, P500 ang halaga

Ikinagulat ng mga netizens ang ibinahaging larawan ng vlogger na si James Deakin kung saan makikita ang halaga ng parking space sa isang resto sa dampa sa Pasay City.
Photo credit: James Deakin

Makikita sa karatula na ₱500 raw ang bayad sa non-customers na magpa-park ng kanilang sasakyan sa tapat ng kanilang establisyimiento.

Ayon pa sa ulat, napag-alaman din na may dagdag umano itong ₱300 sa bawat oras na magtatatagal ito.

“Rumor has it that they also take onions as payment,” pabirong banat ng blogger-social media personality sa kaniyang Facebook post.
Photo credit: James Deakin

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

“Approved kaya ito ng city and local government units.. Malupet!”

“Kung private company naman ‘yan, allowed naman yata, parang sa mga bangko rin. Nawawalan ng parking area yung mismong mga customers.”

“Ganyan nga sa may seaside na try namin dati, need mo lang magpa validate sa pinagkainan mo sa loob para di ka magbayad ng 500 for parking.”

“Feeling ko badtrip na sila kakasaway ng mga non-customer na nakiki-free park sa kanila wehehehe.”

“It’s their way po para maiwasan na mag-park doon mga non-customer, in short priority nila mga customer which is tama naman, usually kasi mas matagal pa mag-park mga non-customer.”

“Tama lang ‘yan, experience ko ‘yan sa Baclaran hirap maghanap ng parking area kung kumain sa restaurant, wala naman tao sa restaurant pero yong parking area nila puno.”

“Sibuyas na lang i-parking diyan hahahaha.”


***


Post a Comment

0 Comments