Mamamahayag, pinuna ang mga gurong sumasayaw ng malaswa sa TikTok: “Teacher ba kayo o Entertainer sa Club?”

Hindi naitago ng isang mamamahayag ang kanyang pagkadismaya matapos mapanood ang ilang video ng mga gurong sumasayaw ng malaswa sa social media.
Photo credit to the owner

Sa kanyang vlog, pinuna ni Audrey Gorriceta ang style ng pagsasayaw ng ilang mga guro sa social media app na TikTok at Facebook.

Ipinaalala ni Gorriceta sa mga guro na hindi dapat sila gumagawa ng mga bagay kung saan mawawalan ng respeto sa kanila ang kanilang mga estudyante.

“Teacher po kayo, kailangan niyo pa ba ng atensyon?” tanong ni Gorriceta. “May palabas-labas pa ng dila, may patuwad-tuwad pa, para ano, para mal*b*gan ang mga tao sa inyo, ang mga estudyante niyo?”

“Magturo lamang kayo dahil hindi namin pinag-aaral ang mga kabataan para sa paaralan para makita kayong gumagawa ng ganyang mga videos,” dagdag nito.


Sumang-ayon naman ang ilang netizens sa pahayag ni Gorriceta.

“Agree. Ang nagpapamalisyoso sa mata at isipan ay dahil sa nakikita. Nasusulat nga na ang babae ay dapat manamit ng matimtiman at kumilos ng may hinahon manapay ang mga guro na dapat ay maging huwaran sa pagtuturo ng kabutihang asal, desente at ganap na pagkilo,” sabi ni Arthur Lupac.

“Tandaan nyo mga guro, mag pa respeto kayo, para kayo ang galangin ng inyong studyante ang ng mga magulang ng mga bata,” sabi Carl Ledesma.

Samantala, isang netizen ang ipinagtanggol ang mga guro.

Ani James Sy, “Pinagbawal na ba ng Dep Ed mgsayaw ung teacher tsaka n po ntin pg-usapan yn kapag pinagbawal n ng Dep Ed hanggat hndi pinagbabawal wag nyo sila pkielaman at my kalayaan sila n gwin ang guato nila hanggat hndi pinagbabawal ng batas.”

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag ang the Department of Education (DepEd) patungkol sa nasabing isyu.


***

Post a Comment

0 Comments