Lechon Godzilla, umani ng katuwaan at katatawanan sa mga netizens

Umani ng positivity, good vibes at libu-libong laughing reactions sa social media ang litratong ibinahagi ng netizen na si John Elbert Flores Hizon kung saan tampok ang lechon na inihanda ng kaniyang pinsan para sa pagdiriwang ng Bagong Taon.
Photo credit: John Elbert Flores Hizon

Nakaka-luwag-luwag na at Dinosaur ang handa nung bagong taon,” pabirong saad nito sa kaniyang post.

Ayon sa kaniya, baka ito na binili ng kanyang pinsan at sila na lamang ang nag-lechon.

Baka po yun na binili nila then sila na lang po ang nag-Lechon. Natuwa lang ako sa itsura ng Lechon kaya shinare ko, gulat lang din ako sa comments and reactions ng mga tao. Sharing good vibes lang din para happy ang bagong taon,” kwento nito.

Inulan naman ng kwelang hirit sa mga netizens ang naturang post.

“Lechon na bumaba galeng impyerno hahah,” komento ng isang netizen.

Cremated kaso naubusan ng gas,” saad pa ng isa.


***

Post a Comment

0 Comments