Isang babae, nagpanggap na patay upang matakasan ang kanyang utang

Marami ng samahan ang nasira dahil sa mga taong hindi marunong magbayad ng utang.

Hindi na siguro mabibilang ang mga magkakaibigang nag-away dahil sa utang. Maging ang magkakapamilya ay nagkakaroon rin ng problema dahil dito.
Photo credit to the owner

Samantala, sa isang ulat ng Tribun-Medan mula sa Indonesia, nagawa raw pekein o magpanggap na patay ng isang babae upang matakasan ang kanyang utang.

Ayon sa report, may utang umano ang babaeng si Liza Dewi Pramita kay Maya Gunawan sa halagang 4.2 million Indonesian rupiah o P15,000 na ang due date ay noong Nov. 20, 2022.

Dahil hindi kayang bayaran ni Pramita ang utang sa nasabing petsa, humingi ito ng extension hanggang Dec. 6 at pumayag naman si Gunawan.

Ngunit hindi nanaman tumupad si Pramita.

Makalipas ang isang linggo, Dec 12, nakita umano ni Gunawan ang Facebook post ng anak ni Pramita kung saan sinabi nitong namatay ang kanyang ina sa isang car accident.

Ipinost din ng anak ni Pramita ang mga larawan kung saan nakabalot sa kumot ang kanyang ina habang nakahiga sa hospital stretcher.

Makikita rin sa larawan na mayroon pang bulak sa ilong si Pramita.

Ngunit malakas ang kutob ni Gunawan na hindi totoo ang post ng anak ni Pramita.
Photo credit to the owner

Kalaunan ay natuklasan niyang nagsisinungaling lamang ang mag-ina.

Ayon sa Tribun-Medan, galing lamang sa Google ang larawan kung saan kunwaring nasa stretcher ang katawan ni Pramita.

Ipinost ni Gunawan sa social media ang buong pangyayari at sa ngayon ay viral sa Indonesia.

Inamin naman ng anak ni Pramita na ginawa lamang nila ito upang matakasan ang pagkakautang kay Gunawan.

Ayon kay Gunawan, nagawa niyang pautangin si Pramita dahil kakilala umano ito ng kanyang mga kaibigan.

Sa katunayan ay hindi pa nagkikita ang dalawa at nagkilala lamang sa isang online group.

Sa kasamaang palad, kahit na natuklasan ni Gunawan na buhay pa si Pramita, hindi pa rin nababayaran ang perang inutang sa kanya at ngayon ay tinataguan na siya.



***
Source: Philstar

Post a Comment

0 Comments