Isa sa mga vocalist ng bandang “The Juans”, itinanggi ang bintang sa pagsabi niya ng b*b* Bongbong

Mabilis na nag-viral sa TikTok ang isang Instagram story kung saan mapapanood at maririnig na kumakanta si Carl Guevarra mula sa bandang “The Juans” kasabay ang Pinoy pop boy group na SB19.
Carl Guevarra / Photo credit to the owner

Sa video ay makikitang nagkakasayahan ang dalawang grupo at kumakanta ng magkakatunog na salita katulad ng “bing-bong, ding-dong, bong-bong.”

Isa sa mga miyembro ng SB19 ang biglang ipinasok ang salitang Duterte habang sila ay kumakanta. Marahil siguro ay dahil katambal ni Bongbong Marcos si Sara Duterte.

Matapos mabanggit ang salitang Duterte ay tila inulit ito ni Carl kasunod ang salitang “b0b0 bongbong.”
Carl Guevarra / Photo credit to the owner
Carl Guevarra / Photo credit to the owner

Samantala, sa kanyang Twitter account ay itinanggi naman ni Carl Guevarra ang paratang sa kanya.

Paliwanag niya, mapapatunayan raw ng kanyang mga kasama na hindi niya sinabi ang salitang b0b0.

Sa katunayan raw ay kahit iba ang kanyang political stand ay may respeto parin ito sa pangulo ng ating bansa.
Carl Guevarra / Photo credit to the owner

Nanawagan rin siya na tigilan na ang pagpapakalat ng fake news at ireport ang mga trolls.

Aniya, patuloy raw siyang titindig para sa katotohanan.

“Maaasahan niyo pong patuloy akong titinding para sa katotohanan and I wont be silenced especially if it involves my band and family.” 

Panoorin ang nasabing video sa ibaba:

Narito naman ang pahayag ni Carl:

“I never said “B0B0”. Ev
eryone around me can attest to this, what we’re singing was “Bing-bong, ding-dong, bong-bong”

Vocal po tayo pagdating sa political stand natin pero may respeto rin po ako sa para sa ating Pangulo. Tigilan po ang pagkalat ng fake news at h*te speech at ireport ang mga tr0lls na patuloy na nagppyesta patungkol dito. I know it’ safe to be quiet but I also believe it is my duty to speak the truth and shed light to the lies and accusations. 

Maaasahan niyo pong patuloy akong titinding para sa katotohanan and I wont be silenced especially if it involves my band and family.” 

Nag-viral na rin kamakailan si Carl matapos ang tila panglalait niya sa mga bumoto kina BBM at Sara Duterte noong nakaraang May 9 elections.

Aniya, iniisip raw niyang side effect umano ng C0V1D sa utak kung bakit ibinoto ng mahigit 31M ang tambalang Marcos-Duterte.


***
Source: Twitter

Post a Comment

0 Comments