Alden Richards, babagsak umano ang career ngayong 2023 ayon sa isang manghuhula

Babagsak umano ang career ngayong 2023 ng Pambansang Bae na si Alden Richards ayon sa “prophetic witch” ng Cabanatuan na si Mamu Gloria Escoto.
Alden Richards / Photo credit: Cosmo

Sa Youtube channel ni Romel Chika, tinanong niya ang manghuhula patungkol sa mga haharapin ng ilang celebrities ngayong 2023.

Tungkol kay Alden na ang kapanganakan ay January 2, 1992, sinabi ni Mamu Gloria na sa negosyo ay masuwerte ang aktor ngunit pababa naman ang career nito ngayong taon.

Maging sa lovelife ay zero pa rin daw si Alden dahil nasa pera umano ang focus nito.

“Sorry ha, sa lumabas na cards ni Alden, puwedeng mag-flop siya next year (2023)… Hindi niya lucky year next year.

“Actually ano siya eh, more on pera (kaysa love life)… Parang may kinatatakutan ‘to… bumalik sa dati (maghirap),” dagdag ni Mamu Gloria.

Ayon din daw sa tarot card ay wala pang napupusuan si Alden.


"Lucky siya ng nagdaang taon, so ito ang year na hindi para sa kanya. Sa business naman magiging okay siya pero career (pababa). Wala… ever (tungkol sa love life),” ani Mamu Gloria.


***

Post a Comment

0 Comments