Tom Rodriguez, sinagot na ang isyung bakla raw siya kaya sila naghiwalay ni Carla Abellana

Nagsalita na ang aktor na si Tom Rodriguez patungkol sa mga ibinabatong isyu laban sa kanya na naging dahilan umano ng kanilang paghihiway ni Carla Abellana.
Tom Rodriguez at Carla Abellana / Larawan mula Google

Sa panayam ni Ogie Diaz, sinabi ni Tom na wala raw katotohanan ang intriga na beki siya.

Sa isang interview ng talent manager na si Ogie Diaz kay Tom, sinabi ng aktor na wala raw katotohanan na siya ay isang bakla.

Aniya, hindi naman daw siya apektado kung tawagin siyang bakla ng mga tao.

“If that’s the worst that someone can call me, that’s not an insult to me,” wika ni Tom.

Dagdag niya, marami daw siyang kilalang bakla na maituturing niyang ‘best people’ na nakilala niya.

“Hindi insulto sa’kin ‘yon so anyway I don’t mind hearing it. It’s not the truth but it doesn’t bother me,” lahad pa ni Tom.

Wala rin daw katotohanan na nagkaroon siya ng babae habang magkarelasyon sila ni Carla.

Aminado naman daw siya na siya ay may nagawang pagkakamali, ngunit paglilinaw niya ay never niya raw nasaktan physically si Carla.

“Tao lang ako. I have my mistakes, siguro hindi yung mga binibintang sa’kin per se, but I have things that I have to be accountable for,” wika pa ni Tom.

Sa ngayon ay nilalakad na para ma-recognize ang kanilang divorce ni Carla sa Pilipinas.


***

Post a Comment

0 Comments