Teacher, nalungkot at nadismaya sa reaksyon ng kanyang mga estudyanteng binigyan niya ng regalo

Kahit kailanman ay hindi matutumbasan o matatawaran ang kadakilaan ng mga guro sa pagiging maunawain at matiyaga sa kanilang mga estudyante.
Larawan mula sa Facebook ni teacher Kathleen Jane J. Mendoza

Ngunit minsan ay may mga estudyanteng hindi talaga marunong magpahalaga sa mga kanilang mga guro kahit na anong kabutihan ang ipakita sa kanila.

Sa isang viral post ng guro na si Kathleen Jane J. Mendoza, ibinahagi niya ang kanyang pagkadismaya sa ilan niyang estudyante.

Ayon sa kanyang post, dalawang linggo pa lamang bago ang kanilang Christmas party sa eskwelahan ay inihanda na niya ang mga regalo niyang ‘keychains’ para sa kanyang mga estudyante.

Kwento ni teacher Kathleen, ang kanyang regalo ay simbolo ng kanyang pagmamahal sa kanyang mga estudyante. Tinulungan pa siya ng kanyang kaibigan upang gawin ito.
Larawan mula sa Facebook ni teacher Kathleen Jane J. Mendoza

Noong una ay kinuwestiyon pa umano siya ng kanyang kaibigan kung bakit pa siya magbibigay ng regalo eh sakit sa ulo at lalamunan lamang raw ang kanyang mga estudyante. Ngunit desidido parin si teacher Kathleen sa kanyang plano.

Dumating ang araw ng kanilang Christmas Party at hindi naman siya nabigo sa ilang estudyante niyang natuwa sa ibinigay niyang regalo. Ngunit ang hindi umano niya malilimutan na sinabi at ikinadurog ng kanyang puso ay ng hindi bigyan ng pagpapahalaga ang key chain na ibinigay niya.

“Cher, ito lang regalo mo samin? Kaya din namin bumili nito eh!”, sabi ng isang estudyante.

Dito na na-realize ni teacher Kathleen na kahit ano pa man ang kanyang naitulong sa mga bata ay hindi pa rin magiging sapat. Kahit sa simpleng bagay man lang ay hindi pa mabigyan ng pagpapahalaga.

No matter what you do for them, if they think it’s not enough it will never be enough,” saad ni Teaher Kathleen.

You know what’s funny? I really expected that they would appreciate but it turns out that they did not,” dagdag pa niya.

Narito ang kanyang buong post:

"An Adviser’s Agony:

I prepared these keychains two weeks before Christmas Party. I wanted to give them a gift as a sign of my love for them. My friend made these keychains possible for me. Yung iba nagtaka pa, kasi bakit ko pa nga daw bibigyan sila ng regalo eh sakit sila sa ulo, sa lalamunan. But still I want to give it.

Until the Christmas Party came, I gave them the keychains one by one. Some people said thank you. But you know what’s the most unforgettable thing they’ve said?
Larawan mula sa Facebook ni teacher Kathleen Jane J. Mendoza

“Cher, ito lang regalo mo samin? Kaya din namin bumili nito eh!”

And then I realized, no matter what you do for them, if they think it’s not enough it will never be enough.

You know what’s funny? I really expected that they would appreciate but it turns out that they did not."

Maraming netizen rin ang nalungkot at nadismaya sa nangyari kay teacher Kathleen.

Narito ang reaksyon ng ilang netizen:

Herlynne Grace Manaoat, “At least you had the heart to exert effort and you tried to make them happy, Kathleen. You’ve done a good job.

Joy Roleda, “Hi ma’am I’m just here to say thank you for the effort hehehe I’m not your student and I don’t know you personally either and you too but then thank you po sa effort .. Naalala ko lang kasi former adviser ko sa inyo binigyan din niya kami before ng keychain na mini bible .. Nag-agawan pa kami nun.. Alam naman natin na kapag May ginawa tayo sa kapwa natin hindi lahat nakaka-appreciate what matters is napakita niyo yung love niyo sa kanila. Yun lang po. feeling close lang chaarr.”

Rhea Rendal, “Ganun po talaga we cannot please everybody …pero minsan may mga di tayo inaasahan na siyang mas magaappreciate sa atin tapos yung inaasahan natin na makakaappreciate ng ginawa natin yun pa ang di makakaalala ..kaya just continue to do your job ..at least naipakita mo na pinapahalagahan mo sila as your pupils.

Ruby Bunyi, “focus on the kids who said na they are thankful for your small token. iilan man sila, may puso naman sila sa teacher nila na tinuring silang anak sa labas man o loob ng school.”

Nagbahagi rin ng kanyang karanasan ang isang guro.

Kwento ni Michael Reyes, tumbler ang kanyang ibinigay sa kanyang mga estudyante. Mayroong mga natuwa ngunit ang iba ay naghahanap pa ng karagdagang regalo. 

Kahit ako nasaktan sa reaction ng students ko. Tumbler binigay ko sa kanila. Lahat sila meron ung iba thankful ung iba nghahanap pa ng karagdagan. Ang sakit talaga sa puso. Kala nila obligado tayu at karapatan nilamg maregaluhan sila. Nagleave ako sa gc namin sa sobrang sama ng loob ko,” aniya.

Pati ang isang kaibigan ni teacher Kathleen ay nagbigay din ng mensahe sa kanya.

"You're a great friend, know that you are worth it. The passion and effort you put for those gifts cannot be counted. Christmas is about love and giving and you perfectly exemplify it. Merry Christmas!"


***
Source: Filipino Clip

Post a Comment

0 Comments