Romnick Sarmenta, may panalangin para sa majority ng mga Pilipino ngayong darating na Pasko

Muli nanamang bumanat ang aktor na si Romnick Sarmenta patungkol sa mga taong hindi niya kapareho ng paniniwala.
Romnick Sarmenta / Photo credit to the owner

Sa kanyang latest tweet, “pagkamulat” umano ang dasal ng aktor para sa lahat, sa darating na Kapaskuhan.

Sa Paskong ito, panalangin ko para sa inyo ang pagkamulat, sa pagdating ni Hesus, sa tangan Niyang Pag-asa, sa taglay Niyang Katotohanan, at sa Hustisyang Siya ang may-ari,” ani Romnick.

At kapayapaan, sa lahat ng nagmamahal sa Kaniya,” aniya pa.

Kilalang supporter ni dating Vice President Leni Robredo si Romnick. Kritiko rin siya ni Pangulong Bongbong Marcos.

Kamakailan lamang ay nagbahagi rin ito ng pasaring hinggil sa isang “payaso” na pumunta sa isang palasyo.


***

Post a Comment

0 Comments