Paghaharap ni legal wife at kabit umano ng isang Muslim, viral sa social media

Viral ngayon sa social media ang harapan ng dalawang babaeng pinag-aawayan ang iisang lalaki.
Photo credit to the owner

Sa kanyang Facebook post, in-upload ni Yen Abusaman ang video kung saan mapapanood ang pagpasok nila sa isang kwarto. Nasa loob naman ang isang lalaki kasama ang kanyang kalaguyo na nakilalang si Nadz Sulaiman.

Maririnig din ang pag-uusap sa pagitan ng magkabilang panig sa salitang Tausug at Filipino.

Ayon kay Abusaman, hindi siya makapaniwala na magagawa sa kanya ito ni Sulaiman na itinuturing niyang isang kaibigan.

Ngunit lalong naging kumplikado ang sitwasyon dahil sa diumano’y ikinasal ang kanyang asawa at si Sulaiman sa tradisyong Islam kung saan maaring makapag-asawa ng tatlo ang isang indibidwal.

Samantala, hindi naman matukoy kung isa ring Muslim ang pinakasalan ng kanyang asawa.

Ibinahagi din ni Abusaman ang text diumano ni Sulaiman sa kanyang asawa at sinabi na wala namang problema sa kanya kung kasal na ito.

“Wag mong isipin na kasal oh anu yon yen. Halal lang yon para makawala ako sa atraso,” ayon sa text.

Sa ngayon ay hindi pa malaman kung magsasampa ba ng kaso si Abusaman laban sa kanyang asawa lalo na’t mayroon pala silang mga anak.

Ayon din kay Abusaman ay mayroon naring anak si Sulaiman kaya naman talagang hindi nito maitago ang kanyang pagkadismaya.

Panoorin ang video sa ibaba:


***

Post a Comment

0 Comments