P500 na budget sapat na raw para sa Noche Buena ng bawat pamilya ayon sa DTI

Larawan mula Google

Ayon sa Department of Trade and Industry, sapat na umano para sa bawat pamilya ang P500 na budget para sa noche buena sa gitna nang matataas na presyo ng bilihin.

Ang halagang P500 ay sapat umano kung may apat hanggang limang miyembro ang bawat pamilya.

Inihayag ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na diskarte lamang sa pamimili at bundled items ang kailangan para makatipid.

Malaking tulong din anya ang price guide sa noche buena items na kanilang inilabas.

Sa halagang P500 umano ay maaari nang makapaghanda ng spaghetti, salad, pinoy pandesal, keso at hamon o kabuuang P488, may sukli ka pa.


***

Post a Comment

0 Comments