Hindi naitago ng isang seaman ang kanyang pagkadismaya matapos mapanood ang viral video kung saan makikita ang Choco Mucho volleyball team na hindi man lang namamansin ng kanilang fans.
Lacruiser Relativo / Larawan mula sa kanyang Facebook account
Mapapanood at maririnig sa video ang fan na binabati ang mga diumano “feeling sikat” na volleyball players habang naglalakad ang mga ito pabalik sa kanilang sasakyan.
Kitang kita sa video ang pang-iisnab ng mga players na kahit isang Hi o Hello ay wala man lang marinig mula sa kanila.
Samantala, nag-viral naman ang open letter ng isang seaman para sa nasabing volleyball team.
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Lacruiser Relativo na wala raw utang na loob ang mga players sa kanilang fans.
Aniya, kaya raw sila naging sikat ay dahil sa kanilang mga fans.
“Shout out sa mga players na walang utang na loob. As your “fellow human being”, I urge you not to please everyone but just a little decency and respect for your fellow human beings. Fans somehow brought you to fame and there are lots of well-mannered players who are dying to replace your position. Hindi kayo Diyos!” sabi ni Relativo.
“Minsan din kayong baguhan and try to recall your humble beginnings. Good luck sa mga laro ninyo! I will forever rejoice at your downfall! Good luck ladies!” dagdag nito.
Nagbigay din ng paalala ang seaman sa ibang atleta na maging humble.
“Sa mga snoberang athletes, sabihin nyo naman na “know where we are coming from”. Saan ba kayo galing? Galing din kayo sa pulot bola. Galing din kayo sa pag idolized ng mga sikat na players. At lalong galing din kayo sa pagkatalo. Fans are there for a reason! And it is just fair to return the energy for cheering you on!”
Sa isa pang post ng seaman, sinabihan nito ang mga taong kinukunsinti ang ginawang mali ng nasabing team. Aniya, dapat raw ay ipaintindi sa mga ito na malaki ang impact sa publiko ng kanilang naging asta.
***
Source: Daily BNC News
0 Comments