Netizen na muntik ng mabiktima, ibinahagi ang bagong style ng mga manloloko sa ATM machines

Ibinahagi ng isang netizen ang bagong modus ng mga kawatan na nagtatangkang gulangan ang mga taong nagwiwidraw sa ATM machine.
Photo credit to the owner

Sa Facebook post Jeanzy Tipay Abengoza Belen, ikinuwento nito kung papaano sila muntik na mabiktima ng kawatan na tinawag nilang “hacker.”

Kwento ni Jeanzy, magwiwidraw umano sila sa isang ATM machine at nung matapos nilang i-enter ang pin code ay bigla na lamang lumabas ang P10,000 kahit na wala pa silang pinipindot na amount ng pera na kanilang wiwidrahin.

Ani Jeanzy, mayroong naunang lalaki sa kanila n
a hindi raw mapakali at “andami nya pinipindot sa machine.”
Photo credit to the owner

Napaisip sina Jeanzy na baka pera ng lalaki ang perang lumabas sa machine. Ngunit nang mag balance inquiry sila ay nabawasan ang kanilang pera sa bank account. 

pano pala kung d kami naghintay goodbye 10k na,” sabi ni Jeanzy.

Basahin ang buong post ni Jeanzy sa ibaba:

“first time mangyari sa akin, nagwithdraw kami sa atm machine d pa nga napipindot yung amount biglang lumabas na yung pera at nagkusa na lumabas ang 10k supposed to be 4k lang sana ang withdrawhin ko, nagulat talaga kami, after magpindot ng pin code lumabas ang atm card at buti n lang naghintay kami ng saglit and then lumabas ang 10k, medyo nagduda na rin kasi kami sa lalaking nauna sa amin d sya mapakali at andami nya pinipindot sa machine tapos pumunta sya sa likuran namin at ganon n nga nangyari, nong una nga akala ko pera nya, pero nong nagbalance inquiry tama naman kumaltas ng 10k, pano pala kung d kami naghintay goodbye 10k na. nangyari po yan sa robinsons sta rosa. kung anu man yun. mag ingat po tayo. wag po muna aalis agad maghintay ng saglit kahit akala nyo failed yung transaction nyo.”

Narito ang ilang komento ng mga netizens:






Post a Comment

0 Comments