Muling pagkikita nina Vhong Navarro at kanyang mga anak, emosyonal

Naging emosyonal ang muling pagkikita sa pagitan ng “It’s Showtime” host na si Vhong Navarro at ng kanyang dalawang anak nang umuwi siya sa kanilang bahay kahapon December 6.
Larawan mula Google

Ayon sa latest vlog ng talent manager na si Ogie Diaz, halos ayaw na raw humiwalay sa pagkakayakap ng mga anak ni Vhong na sina Ice at Bruno nang dumating ito sa kanilang tahanan matapos itong payagan ng korte na makapagpiyansa ng P1M upang pansamantalang makalaya.

Bumuhos din umano ang luha dahil sa labis na kasiyahan at pangungulila ng mag-aama.

Kwento ni Ogie, “Pagdating ni Vhong sa kanilang bahay ay nagtatatalon ang mga bata sa tuwa. Napakahigpit na yakap na halos ayaw nang pakawalan si Vhong ng kaniyang mga anak. Nag-iyakan din ang mga ito dala ng pagkamiss nila sa kanilang Daddy Vhong.”

Halos tatlong buwan ding nahiwalay si Vhong sa kanyang pamilya matapos niyang sumuko noong September 19 sa National Bureau of Investigation (NBI).

Samantala, matapos makalaya ay magpapa
hinga muna si Vhong at susulitin ang panahon na muli niyang makapiling ang kanyang pamilya.

Nakatakda namang bumalik si Vhong sa “It’s Showtime” pagkatapos niyang magpahinga mula sa kanyang pinagdaanang pagsubok.


***

Post a Comment

0 Comments