Misis ni Andrew Schimmer, pumanaw na

Kinumpirma ng aktor na si Andrew Schimmer ang pagpanaw ng kanyang kabiyak ngayong Martes, Disyembre 20.
Larawan mula Google

The Love of my Life…my wife..my best friend.. my partner in everything. Remember your promise, together forever,” caption ni Andrew sa kaniyang FB post kalakip ang litrato ng mga kamay nila ng yumaong asawa.

Dumagsa ang pakikiramay ng mga netizens sa comment section ng post ni Andrew.

Ipinangako ni Schimmer na bibigyan niya ng pagkakataon ang mga tao na masilayan sa huling pagkakataon ang kaniyang yumaong asawa.

Nobyembre 1, 2021 nagsimulang maospital ang misis ng aktor, isinugod sa ospital si Jorhomy “Jho” Rovero dahil sa matinding asthma attack, na nagresulta sa atake sa puso at brain hypoxia.


***

Post a Comment

0 Comments