Marami ang na-inspire at napahanga sa kwento ng 73-anyos na lolo na nakapagpatayo ng sarili niyang bahay dahil sa pagtitinda lamang ng pastillas at pulburon.
Photo credit to the owner
Kinilala ang 73-anyos na si Angelito Gino-gino ng Angeles City na mas kilala na ngayon sa mundo ng online selling bilang si Lolo Pops.
Nagsimula sa pagtitinda ng lollipop at iba pang klase ng mga candy ang matanda kaya dito na nakuha ang pangalan niyang ‘Lolo Pops.’
Mahigit isang dekada ng candy vendor si Lolo Pops na naglako noon ng kanyang mga paninda sa Muñoz, Quezon City at iba pang bahagi ng Metro Manila.
Lolo Pops / Photo credit to the owner
Lolo Pops / Photo credit to the owner
Ngunit nang magkapand3mya ay naapektuhan rin ang pagtitinda ni Lolo Pops. Natigil siya at nawalan ng hanapbuhay dahil nagsara rin ang pagawaan ng candy na kanyang pinagkukunan.
Mabuti na lamang at tinulungan siya ng online seller at dating suki sa pagbili ng candy na si Arriane Ocampo.
Muling sumigla ang negosyo ni Lolo Pops.
Lolo Pops / Photo credit to the owner
Ginawan siya ni Arriane ng account sa isang online shopping app para doon ibenta ang kanyang mga paninda.
Kwento ni Arriane, nakita raw niya sa social media ang pagtitinda ni Lolo Pops kaya naisipan niya itong gawan ng online store.
Lolo Pops / Photo credit to the owner
“Naisip ko po na why not i-enroll ko siya o i-register ko siya sa online store para lahat ng gustong mag-avail ng mga products niya madali na lang po makakabili, nationwide pa po.”
Sa programang “KBYN: Kaagapay ng Bayan” ni Noli de Castro sa ABS-CBN, naitampok ang kuwento ni Lolo Pops na nagsabing halos lahat na raw yata ng eskwelahan sa Maynila ay napuntahan na niya.
Kwento ni Lolo Pops, madalas daw siyang pinaaalis noon sa mga bangketa ng mga taga- Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) pero nang tumagal daw ay hinayaan na siyang pumuwesto sa isang lugar para magtinda.
Lolo Pops / Photo credit to the owner
Ayaw rin daw iasa ng matanda sa kanyang mga anak ang pangangailangan nilang mag-asawa.
Si Lolo Pops din ang nag-aasikaso at nag-aalaga sa kanyang misis na na-str0ke noong 2011.
Lolo Pops / Photo credit to the owner
Kuwento pa ni Lolo Pops, naging mahirap noong una ang pagsabak niya sa online selling dahil nga wala siyang masyadong kaalaman gadgets at social media.
Pero dahil na rin sa tulong ng isa niyang anak na babae, naging matagumpay ang kanyang negosyo at nadagdagan pa ang mga paninda tulad ng spicy bagoong.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
At dahil nga sa success ng kanyang business, nakapagpatayo na rin ng bahay si Lolo Pops na dati’y nakatira lamang sa pinagdikit-dikit na mga yero at kahoy.
“Yung ika nga, sa pagtitiyaga, nakapagpagawa ako ng bahay na dalawang palapag.
“Hindi ko sukat akalain. Parang panaginip lang, na dati kong bahay na inaanay, ngayon pag tiningnan mo, ‘’Nasaan ba? Bahay ko na ba ito?’
“Darating pala ang panahon magkakaroon ako ng ganoon din, ganitong bahay na di ko inaasahan,” ani Lolo Pops.
“Hangga’t kaya, patuloy ang pagsusumikap,” dagdag nito.
***
Source: ABS-CBN News
0 Comments