Lolo na butas butas ang damit, nanlibre ng mga customers sa Jollibee

Don’t judge a book by its cover,” isa ito sa mga kasabihang nagpapapatunay na hindi dapat maging batayan ang panlabas na itsura o anyo ng isang bagay at tao upang makilala ito.
Photo credit to the owner

Ito ang pinatunayan ng isang lolo na sa kabila ng kanyang kasuotan ay marami pala itong pera at mayroong busilak na kalooban.

Sa kanyang Facebook post ay ibinahagi ng netizen na si AL Aquino Oliva ang kwento ng isang lolo.

Ayon kay Oliva, habang nakapila siya upang umorder sa Jollibee, bigla siyang nilapitan ng isang lolo at tinatanong kung ano raw ang oorderin niya dahil siya na raw ang magbabayad.
AL Aquino Oliva / Photo from her Facebook account
Photo credit: AL Aquino Oliva

itong c tatay naka pula tinanong ako ano raw order ko kasi sya na raw magbabayad.”

Tumanggi si AL sa alok ng matanda at sinabing siya na ang bahala sa kanyang order ngunit mapilit raw si lolo dahil birthday niya.

At nung magbabayad na ang netizen ay biglang lumapit si lolo sa cashier at iniabot ang bayad. 

Wala ng nagawa si AL kundi ang magpasalamat kay lolo dahil sa kabutihang ginawa nito.
Photo credit to the owner

Napa thank you nlng ako kay tatay,” kwento ni AL.

Dagdag pa niya, maging ang kanyang mga kasabay sa pila na umoorder ay nilibre rin ng mabait na lolo.

Sa ngayon ay umabot na sa 86k reactions at 23k shares ang post ni AL.

Basahin ang kanyang buong post sa ibaba:

So ayon while umoorder ako sa Jollibee Puan itong c tatay naka pula tinanong ako ano raw order ko kasi sya na raw magbabayad sbi ko wag na po tay ako na po, he insisted pero kako wag na, so ayon sabi nya cge bday ko pa naman ngaun sabay alis, then nung magbabayad nako bglang lumapit c tatay sabay bayad sa cashier, at ako naman napa thank you nlng kay tatay. Hindi lang ako ang nilibre pati yng mga kasabayan kong pumila at umorder nilibre din nya. Happy bday tatay salamat po and God bless you.

Samantala, bumaha naman ng pagbati mula sa mga netizens sa comment section ng post ni AL.

Happy Birthday tatay! Bigyan kapa po sana ni Lord ng Mas mahabang buhay , at maging masaya ka po palagi! I salute you tatay. More Blessings to come po,” sabi ni Jenniva Pureza Castañares.

May tao talaga na akala natin ay walang wala dahil sa outer look. But in reality mayaman. It reminds me of a rich relative pag lumuluwas sia nkatsinelas, buri hat, bitbit ay bayong na puno ng mga gulay at duon dn ang pera na allowance ng anak na nagdudoktor sa Mla. Happy Birthday po!” kwento naman ni Heart de Guzman Mondala.

Happy birthday po Tatay! May God bless you and give you many more years to celebrate,” pagbati ni Ann Sucgang.


***

Post a Comment

0 Comments