Karne ng aso at pusa, ibinebenta online na pansahog umano sa Pares at Shawarma

Kamakailan ay nag-viral sa social media ang post ng isang netizen sa isang Facebook group, kung saan naglalako ito ng k@rne ng aso at pusa para sa 'Pares' at 'Shawarma.'
Photo credit to the owner

Isang account na nag ngangalang Markus Adrian ang nagpost ng itinitinda niya diumanong mga karne ng hayop sa halagang 80 pesos per kilo.
 
Available Napo cat/dog litid natin.. Pang pares Mami shawarma.. 80pesos per kilo. We accept gcash or cod Deliver lalamove..” ayon sa caption ng post.

Kabi-kabila naman ang reaksyon ng mga netizens sa nasabing post. Marami ang nagalit at isumpa ang lalaki dahil ang mga ganitong uri ng hayop ay hindi dapat kinakata@y at kinakain, bagkus inaalagaan at itinuturing na parte ng pamilya.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizen sa nasabing post.

”Pls.po agapan nyo ito sa mga taga region 3 po,maging listo po sana kayo s pagmamatyag wag na sana sila katay!n” 

”Grabe sana mahuli nga yan. Pls kng may alam kau makipagtulungan po kau mahuli sila.”
Photo credit to the owner

”Kaya nakakatakot kumain sa labas ng mga karne na may sarsa kasi di mo sigurado kung karne ba ng baboy talaga o aso pala.” 

Sa ngayon ay burado na ang mismong post ni Markus Adrian. Kasalukuyan na rin siyang tina-track ng mga concerned cetizens upang alamin ang katotohanan sa kanyang post at mapanagot ito kung totoo man.


***

Post a Comment

0 Comments