Kamille Cal, ipinagtanggol ang mga diumano “feeling sikat” na kapwa niya volleyball player

Ipinagtanggol ng volleyball player na si Kamille Cal ang Choco Mucho Flying Titans mula sa mga netizens na bumabatikos sa kanila matapos mag-viral ang isang video kung saan hindi man lang namansin ang mga ito ng kanilang fans.
Kamille Cal / Larawan mula Google

Ayon kay Cal, dapat raw ay maintindihan ng mga fans na gusto lang din makapagrelax ng mga diumano “feeling sikat” na volleyball player.

“Baka kasi gusto lang nilang mag-enjoy lang,” ani Cal. “Hayaan mo silang mag enjoy kasi ‘yun lang ‘yung only time nila para mag relax, [at] hindi nag-iisip ng mga fans.” 

“Hindi nag-iisip ng expectations from people who doesn’t even know how hard they work. Baka gusto lang nila ng alone time as a team,” dagdag pa ng UP Fighting Maroons player.

Ayon pa sa kanya ay mas maganda na hayaan na lamang ng mga volleyball fans na makapag-enjoy sa Boracay ang nasabing team.

Aniya, mas maganda na hayaan na lamang ng mga fans ang mga volleyball players na mag-enjoy sa Boracay.

“Minsan ang taong sikat, mga idolo niyo, gusto din ng pribadong buhay,” aniya.

Matatandaan na nag-viral ang nasabing video ng isang fan na talagang hindi pinansin ng mga players habang sila ay naglalakad pabalik sa kanilang sasakyan.

Ilan sa mga netizens ang hindi mapigilan tanungin kung gaano nga ba kasikat ang nasabing team upang hindi pansinin ang kanilang mga fans.

“Hahaha..ganyan n kataas ulo nyo?prang may nkasuot n crown bwaahaha..konting kaway lng pinagdamot pa,” sabi ng isang netizen.

Panoorin ang video sa ibaba:


***

Post a Comment

0 Comments