Kaarawan ng isang bata, araw din ng libing ng kanyang ina; dumurog sa puso ng mga netizens

Nagpaabot ng pakikiramay ang mga netizens sa isang bata matapos umanong mawalan ng ina ilang araw bago ang kaniyang kaarawan.
Photo credit: Lacey Ann Bruce

Birthday ni Ethan nitong Linggo, na siya namang nakatakdang araw ng libing ng kaniyang ina.

Ang ina ni Ethan ay nasawi matapos maaksidente ang sinasakyan nitong motorsiklo sa Barangay Latag, Taal Batangas.

Ayon kay Lacey Ann Bruce, ang nag upload ng nakakalungkot na video, hiniling ng bata na nais niyang makita at mapanood ang kanyang ina kahit sa TV lang, gusto rin niya na lagi niyang katabi ang ina.

Gusto kong panoodin si Mommy, gusto ko sa tabi ni mommy, gusto ko sa TV, gusto ko Mommy ko,” hiling ng bata, na siyang ibinahagi ng uploader na si Lacey Ann.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang mga netizen para sa bata at hiling nila na sana’y maging mabuti, maayos at masaya palagi ang batang si Ethan.

"Happy Birthday Ethan. Marami kaming nagmamahal sayo, gusto ng mommy lagi kang masaya." Mensahe ni Lacey Ann kay Ethan

Bye Mommy, Ingat ka jan, mamimiss kita." - Ang huling mensahe ni Ethan sa kanyang ina.

Sobrang sakit para sa ating anak ang mawalan ng magulang, lalo na ang ating ina, na siyang nagsilang sa atin sa mundong ito.

Panoorin ang video sa ibaba:


***

Post a Comment

0 Comments