Ilang bumili ng pay-per-view access ng Eraserheads concert, dismayado matapos hindi makanood dahil kailangan pala ay PLDT subscriber sila

Ilang fans ng bandang Eraserheads ang nadismaya at humihingi ng refund dahil hindi nila napanood ang live concert via television matapos magbayad ng P650 para sa pay-per-view access.
Larawan mula Google

Ayon sa social media post ng telco na Smart at PLDT, kailangan ay Smart or PLDT lamang ang gamit na internet connection ng mga bumili ng pay-per-view upang mapanood ang concert ng kanilang idol.

“In accessing the Eraserheads Live PPV stream, please remember to use your Smart data or PLDT internet connection.” ayon sa malaking telco.

Ilang netizens ang bumatikos sa mga organizers dahil hindi raw ito sinabi o walang malinaw na paliwanag patungkol dito.

“Di nyo man lang in-announce bago nyo kinuha pera namin!” sabi ni @jerrywestmonzon.

“You should have indicated to your ads that it is EXCLUSIVE FOR SMART USER ONLY before accepting our payment. SCAM!” sabi naman ni @langchicky.

Mayroon ding humihingi ng refund dahil hindi rin pala ito available sa ibang bansa at tanging sa Pilipinas lamang.

“Walang kwenta! Refund!” sabi ni @gelothegreat.

Ang ilan ay nagreklamo din dahil kahit maganda at mabilis ang kanilang internet connection gamit ang PLDT ay hindi pa rin nila napanood ang nasabing concert.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na official statement ang PLDT at Smart kung i-rerefund ba nila ang perang ibinayad ng mga netizens na hindi nakanood.


***

Post a Comment

0 Comments