Dating kusinera, kumikita na ngayon ng P70,000 kada buwan dahil sa online

Ipinakita ng isang ina at dating kusinera na ang pagiging matiyaga at pagkakaroon ng determinasyon ay susi upang maabot ang ating mga hinahangad.
Photo credit: Lovely Joy Trebajo

Ibinahagi ng isang artikulo ng 'Smart Parenting', ang kwento ni Lovely Joy Trebajo na isang kusinera noon sa isang Chinese Restaurant na kumikita lamang ng P11,000 kada buwan.

Ngunit sa ngayon ay nakakatanggap na ng mahigit P70,000 kada buwan mula sa kanyang trabaho bilang virtual assistant at social media specialist.

Noon ay isang kitchen head at dispatcher si Lovely sa pinapasukang restaurant sa loob ng tatlong taon. 

Bilang isang kitchen head, trabaho niyang i-train ang mga bagong kitchen staff at gumawa ng kanilang schedule. 

Siya rin ang nagchecheck sa mga pagkain bago ito i-serve sa mga customers. Pagkatapos ng kanyang shift ay kailangan pa niyang mag-inventory para sa mga stocks na kulang.

Talaga nga namang kulang na kulang ang P11,000 na kanyang sinasahod sa dami ng kanyang ginagawa.
Ngunit wala raw magawa si Lovely noon dahil marami ang umaasa sa kanya.
Photo credit: Lovely Joy Trebajo

“Kailangan po, kasi maraming umaasa sa akin. Kaya tiis-tiis po talaga,” sabi ni Lovely.

Ngunit naisip nila ng kanyang asawa na si Francis Trebajo na baka dahil hindi sila nagkakaanak ay dahil lagi siyang pagod sa trabaho. Kaya nagpasya si Lovely na mag-resign sa pinapasukang restaurant.

“Nagpa-alaga ako sa OB-GYN, since for 2 years, we had no luck conceiving. I was confident that I didn’t have any fertility issues, but after a series of tests, I found out I had endometrial polyps that needed to be removed via minor surgery. Then, after a month, I got pregnant with our child, Noah,” kwento ni Lovely.

Inamin rin ni Lovely na bilang panganay sa kanilang pitong magkakapatid, pakiramdam niya ay responsibildad niyang tulungan ang kanyang mga magulang.

“Hindi ako sanay na walang sariling pera so I searched on Facebook, anything about working from home, and I found out about VPN (virtual private network),” sabi ni Lovely.

Ito ay ang pagbebenta ng ‘credits’ sa mga users upang magkaroon sila ng unlimited internet sa murang halaga.

Kumikita raw si Lovely ng P2,000 kada linggo sa pagiging reseller ng VPN ngunit hindi rin ito nagtagal dahil unti-unti siyang nawalan ng customers dahil sa laging pagkakaroon nito ng server maintenance.

Sinubukan rin ni Lovely ang raket na pagtatype ng ‘Captcha’ sa halagang ‘4 cents per 7 characters’. Umabot sa P920 pesos ang perang makukuha sana ni Lovely ngunit bigla umanong naglaho parang bula ang kanyang amo. Kaya kahit piso ay wala siyang natanggap.

Sa natirang P3,200 na pera ni Lovely, ibinili niya ito ng 9 inch na netbook upang subukan ang online work from home.

Matagal ng pangarap ni Lovely ang work from home. 

“I’ve read na dollars daw kasi ‘yung sweldo so I thought I can earn a lot to support my parents and siblings. My original plan was to return to work when my son turned a year old. Pero naiisip ko, sino mag-aalaga sa anak ko, kaya ko bang hindi siya makasama ng matagal?”

Sa kanyang pananaliksik, na-discover ni Lovely ang Facebook group na ‘Filipina Homebased Moms’, kung saan layunin nitong tulungan ang mga inang gustong pasukin ang freelancing.

Sa kanyang panonood ng mga free webinars sa sinalihang grupo, maraming natutunan si Lovely kung papaano magsimula sa work from home.

Nag-apply siya sa iba’t ibang freelance websites katulad ng onlinejobs.ph, freelancer.com, at virtualstaff.ph.

“Inapply ko lahat ng natutunan ko sa webinars, cover letter, portfolio, at mga gagawin before the interview. Pero hindi pala ganun kadali ‘yun. Sobrang hirap — out of 15 applications mo, swerte na kahit isa lang mapansin ka,” sabi ni Lovely.
Photo credit: Lovely Joy Trebajo

“Ang dami kong failed interviews, minsan dahil sa Internet ko kasi VPN lang and most of the time, 2mbps lang. Hindi ka na nga fluent English speaker, kabado pa, kaya halos utal-utal sa interviews.”

Aniya, madalas rin daw dahilan kung bakit hindi siya natatanggap ay dahil sa specs ng kanyang netbook. Gayunpaman, pinagpatuloy pa rin niya ang pagpasa ng kanyang portfolio gamit ang Canva na application sa kanyang cellphone.

Isa raw sa hindi makakalimutang interview ni Lovely ay nang mag-apply siya bilang chat support sa isang website. 

“I thought I was going to get the job until he explained the real job description — chat support for an indecent dating site. I really wanted to work from home, but I was not desperate enough to accept the job offer,” kwento niya.

Sa kabila nito, hindi pa rin sumuko si Lovely at nang ma-interview siya para sa isang part-time general virtual assistant position na mayroong $200 na sweldo kada buwan, hindi siya nagdalawang isip na tanggapin ito upang magkaroon siya ng experience.

“Before our interview ended, I told her, ‘I might not have any experience, but I can do more. All I need is someone who will trust me that I can.” 

Makalipas ang isang linggo, nakuha ni Lovely ang posisyong part-time general virtual assistant. Dito ay nagtatrabaho siya ng 35hours kada linggo.

Makalipas naman ang isang buwan, natanggap siya bilang isang online English teacher sa 51Talk.

Sa ngayon ay tatlo na ang online job ni Lovely. Una ay isang part-time general virtual assistant, pangalawa bilang full-time e-commerce virtual assistant, at pangatlo ay bilang full-time social media specialist.

Nag-resign siya sa pagiging online English teacher.

Ang trabaho ni Lovely ay simula 7pm-6am at 12pm-4pm mula Lunes hanggang Sabado.

Sa ngayon ay mas maganda raw ang buhay nina Lovely kumpara sa dating pagiging kusinera niya. 

“When I was a kitchen head, I earned Php11,000 a month minus the benefits, food allowance, and transpo. More or less, I take home Php9,000—I give Php5,000 to my parents and the rest are savings,” sabi ni Lovely.

“I don’t have extra money to buy clothes or shoes. If ever I wanted to try something, like eating out, I will have to try it the next salary day,” dagdag niya.
Photo credit: Lovely Joy Trebajo

“But now I can eat whatever I want, buy whatever I want, and I can save more. I can support my own family and my parents, especially during this pandemic,” dagdag ni Lovely.

Nagbigay din ng advice si Lovely sa mga nanay na katulad niyang gustong pasukin ang work from home.

“Mataas competition sa field natin kaya hanggat kaya mag-aral, aral lang tapos huwag na huwag susuko. Kung kaya ko, kaya ninyo din.”

“Never ko naimagine na mararanasan ko ‘to. Sa call center nga dito sa Pilipinas, 30 times ako bumagsak sa initial interviews pa lang. But every time I felt like giving up, nagbabasa akong inspirational stories sa FHmoms para mabuhayan ako ng loob. At dito pala ako seswertehin. It’s not an easy road, but it’s all worth all the rejections I experienced,” dagdag ni Lovely.


***

Post a Comment

0 Comments