Bilyonaryong may-ari ng Rebisco na si JacK Ng, hinihimok na turuan ng GMRC ang volleyball team na hindi namamansin ng fans

Hinihimok ng mga netizens ang bilyonaryong may-ari ng Rebisco na si Jack Ng na turuan umano ng ‘Good Manners and Right Conduct’ (GMRC) ang volleyball team na Choco Mucho na hindi namansin ng kanilang fans sa Boracay.
Photo credit to the owner 

Sa viral video ay makikita ang pang-iisnab ng mga players sa kanilang fans habang pasakay sila sa kanilang shuttle bus.

Ilan sa mga binabatikos ng mga netizens ay sina Deanna Wong, Kath Tolentino, at Maddie Madayag.

Maging ang GMA Network tv host na si Kim Atienza ay nadismaya sa inasta ng mga volleyball players.

“This team should be advised that catering to fans is a responsibility, otherwise, stay out of the public eye and play privately. What an irritating yet sad sight. I hope they are advised by their sponsors to act properly in public,” sabi ni kuya Kim.

“Good or Bad still a publicity sa REBISCO kaya dedma cguro sila,” sabi ng isang netizen.


***

Post a Comment

0 Comments