Barbie Imperial nagsalita na patungkol sa away nila ni Debbie Garcia

Nagsalita na ang aktres na si Barbie Imperial patungkol sa kasong kinasangkutan niya sa sexy aktres na si Debbie Garcia.
Barbie Imperial at Debbie Garcia / Larawan mula Google

Nangyari ang pahayag ni Barbie sa isang interview sa “Tonite L na L” nina host Nonie Nicasio at Roldan Castro kasama ang mga partner niya sa pelikulang “A Cup of Flavor” na sina JC Santos at Sean de Guzman.

Ayon sa aktres, naka-move on na siya sa isyu ng pananakit umano niya kay Debbie sa isang bar sa Quezon City.

Hindi raw siya nagsalita noon dahil nasa korte na ang kaso.

Sa ngayon ay wala raw siyang update tungkol sa isinampang kasong slight physical injuries ni Debbie laban sa kanya at wala pang natatanggap na anumang subpoena.

Sakali naman daw na matuloy ang kaso ay handa naman daw itong harapin ng aktres.

Itinanggi rin ni Barbie na lalaki ang dahilan ng kanilang away ni Debbie.

Aniya, may “malalim” silang isyu ni Debbie at ayaw na niyang magkaroon pa ng kaugnayan dito.

Honestly for me kasi we were friends before, something happened lang na malalim. Ako naman po hindi naman ako ‘yung tao na nagagalit if wala naman, chances were given before pero pag inulit-ulit kasi parang bastos na ‘di ba?” pahayag ni Barbie.

So, nandun po ako sa point na ayoko na, na mag-reconnect ever. Parang leave it that way, walang bastusan pero done… done,” dagdag niya.

Ani Barbie, nagkaroon na sila dati ng isyu ni Debbie at naulit lang ito.

Nanatili raw ang respeto niya kay Debbie sa kabila ng dalawang beses na ginawa nitong pagkakamali sa kanya.

Noong magkita raw silang muli ay parang nampo-provoke si Debbie. Kumbaga ay napuno na raw siya kay Debbie.

Itinanggi naman ni Barbie na sinampal niya ang sexy actress.


***
Source: Abante

Post a Comment

0 Comments