Hindi napigilang magbigay ng reaksyon ng new anchor na si Arnold Clavio patungkol sa usap-usapang Maharlika fund.
Arnold Clavio / Larawan mula Google
Matatandaang viral ang usapin patungkol sa Maharlika fund matapos itong umani ng maraming pambabatikos sa panukalang sovereign funds na manggagaling pa sa mga bangko at pension funds ng gobyerno.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Clavio ang kaniyang reaksyon patungkol sa naturang pondo.
“P203B na estate tax… P275B Maharlika Wealth Fund… hmmm P72B na lang ang kulang. Puwede na ba?” saad nito sa ipinost larawan.
Dagdag pa ni Clavio, kung hihingan daw ang mga mambabatas ng P100 milyong piso, makakalikom daw ng P25B.
“At kung hihingan natin ang bawat mambabatas ng tig-p100 MILYONG PISO bawat isa . Nasa sa 250 (member of House of Representatives) o sumatotal ay makakalikom ng p25 B … Sakto lang,” aniya.
“Hindi pa magagalaw ang pension at insurance fund ng mga miyembro ng GSIS at SSS at siyang mainit na pinag-uusapan sa ngayon.
“Kaya dapat bilisan na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at nang magkaalaman na kung mayroon ngang pananagutan ang mga Marcoses kaugnay ng usapin ng estate tax,” paglalahad pa ni Clavio.
Bukod dito, nabanggit din niya na ilang araw na ring siyang nakikinig sa mga diskusyon at mga panayam hinggil sa Maharlika Fund.
“Sa ilang araw ng pakikinig ko sa mga diskusyunan o kaliwat kanang panayam , natatabunan ng kredibilidad ng mga personalidad na nasasangkot ang magandang intensyon ng MWF,” saad ng GMA reporter.
“Dahil ang mga pinuno ng mga lalahok na MAHARLIKA ay pawang mga presidential appointees at never na makikipag-debate sa mga eksperto,” dagdag pa niya.
Aniya, hindi rin maipagkakailang baon sa utang ang Pilipinas.
“Hindi rin maipagkakaila na ang Pilipinas ay baon sa utang , international at domestic , para isugal pa ang natirirang pondo ng mga government , sa Maharlika funds. Walang personalan.”
***
Source: Balita
0 Comments