Alexa Ilacad, tila pumalag sa rebelasyon ni Tuesday Vargas

Tila pumalag ang Kapamilya aktres na si Alexa Ilacad sa naging rebelasyon ni Tuesday Vargas patungkol sa dalawang artista na nang-isnab umano sa kanya.
Alexa Ilacad at Tuesday Vargas / Larawan mula Google

Kamakailan ay ibinahagi ni Tuesday sa kanyang Facebook post ang dalawang artista na sinubukan umano niyang lapitan ngunit dinedma lamang siya ng mga ito.

Inamin rin niya na humingi sa kanya ng tawad ang road manager ng dalawang bagets na artista. 
Screencap mula sa Facebook post ni Tuesday Vargas

Wala namang binanggit na pangalan si Tuesday sa kanyang post ngunit ayon sa komento ng mga netizens, sina Alexa Ilacad at loveteam partner nito na si KD Estrada ang tinutukoy niya.

Dahil dito ay binatikos ng KDLex fans (fandom group na sumusuporta sa loveteam nina Alexa at KD) si Tuesday.

Ipinagtanggol nila ang kanilang mga idolo at sinabing mababait ang mga ito at napaka-humble.

Samantala, sa isang post ni Alexa ay nagkaroon ng espekulasyon na ito umano ang sagot niya sa rebelasyon ni Tuesday.

“Kung may problema ka saakin, GRABE!! ang ganda naman ng problema mo. char,” the young actress wrote.
Screencap mula sa IG account ni Alexa Ilacad
Screencap mula sa Facebook account ni Alexa Ilacad

Iba’t ibang ang komento ng mga netizens sa post ni Alexa. Mayroong mga nagsasabi ng huwag na lamang pansinin ang mga negatibo sa buhay.

Mayroon din namang nagkomento at sinabing mayabang umasta ang aktres. Anila, dapat raw ay maging humble ito.
Screencap mula Philnews


***
Source: Philnews

Post a Comment

0 Comments