Vice Ganda, nagbigay ng emosyonal na mensahe kay Vhong Navarro

Naging emosyonal ang mensahe ni Vice Ganda para sa kanyang kaibigan at co-host na si Vhong Navarro sa noontime show na ‘It’s Showtime’.
Vice Ganda and Vhong Navarro / Photo credit to the owner

Kahapon, Nobyembre 19, ang ikaw-13 anibersaryo ng ‘It’s Showtime’ ay inamin ni Vice at iba pang co-host ng programa na talagang nanibago at ramdam nila ang pagkawala ng Vhong.

“Vhong, we miss you,” sabi ni Anne Curtis.

Dito na nagbigay ng emosyonal na mensahe si Vice kay Vhong.

“And Vhong, hinding-hindi ka namin nakakalimutan. Araw-araw naalala ka namin. At araw-araw nagdadasal kami para sayo,” sabi ng komedyante.

Umaasa si Vice na sana’y makasama pa nila muli si Vhong sa programa.

Araw-araw isa ka sa mga hiling na ibinibigay at ibinubulong namin sa Diyos. Kasama ka namin dito at excited na kaming makasama ka pa naming muli dahil alam naming makakasama ka namin muli.” ani Vice.

“Mahal na mahal ka namin, Vhong Navarro. Ang tagumpay ng Showtime noon, ngayon at ang magiging tagumpay niya pa sa kinabukasan ay kasama ka Vhong Navarro,” dagdag pa niya.


***

Post a Comment

0 Comments