Throwback photo ng "AlDub", muling nag-viral

Muling nag-viral sa social media at pinag-usapan ng mga netizens ang throwback photo ng “Phenomenal Loveteam” na AlDub” na sina Alden Richards at Maine Mendoza kung saan makikitang may anak na kambal ang dalawa batay sa lumabas na ultrasound.
Photo credit to the owner

Mismong ang official Facebook page ng “Eat Bulaga” ang nagbahagi ng throwback photo ng AlDub na kinunan noong Nobyembre 26, 2016.

Ngayong 2022, tapos na ang “Tamang Panahon” o tuluyang pagkikita nina Alden at Maine, na maituturing na makasaysayan sa Philippine television, at ginanap sa Philippine Arena sa Bulacan.

Yey! Kambal pala ang magiging anak ni Mr. and Mrs. Richards!” saad sa caption.

Sa panahong ito ay “nagpakasal” na rin ang AlDub.

Kaya naman, maraming nagsasabi na marahil, ito raw ang pinagbabatayan ng mga “mala-kultong” grupo ng mga tagahanga ng AlDub kaya naniniwala silang may kambal na anak sina Alden at Maine at tinatago lamang nila, kahit na mismong si Maine na ang nagklarong “fictional” lamang ang lahat.



***

Post a Comment

0 Comments