PANOORIN: Video ng paghagulgol ni John Amores matapos ang panununtok

Viral ngayon ang video ng paghagulgol ni John Amores ng Jose Rizal University Heavy Bombers sa loob ng dugout matapos ang kanyang panununtok sa ilang players ng College of Saint Benilde Blazers sa NCAA Season 98 noong Martes, Nobyembre 8.
Photo credit to the owner

Sa Facebook page ng NCAA Philippines, ibinahagi ang footage ng GMA kung saan makikitang pinapakalma ng isang babae at dalawang lalaki si Amores sa walang tigil na paghagulgol.

Pinatawan na si Amores ng indefinite suspension ng NCAA at JRU matapos ang kanyang panununtok sa ilang player na nauwi sa pagtigil ng laro may 3:22 natitira sa fourth quarter.

Kinasuhan na rin siya nitong Biyernes ng physical injuries nina Benilde players Jimboy Pasturan at Taine Davis sa San Juan Prosecutor’s Office.

Panoorin ang nasabing video:


***

Post a Comment

0 Comments