Pamilya ng inilibing na buntis, binasag ang puntod matapos siyang marinig na humihingi ng tulong

Isang 16-anyos na buntis ang idineklarang wala ng buhay matapos mahimatay dahil umano sa panic attack sa La Entrada, Honduras.
Photo credit to the owner

Si Neysi Perez ay 16-anyos lamang noon at tatlong buwang buntis. Nagsimula ang lahat nang makarinig sila ng mga putok ng baril sa kanilang lugar. 

Dahil sa pagkataranta at takot sa putok ng mga baril ay nagkaroon ng panic attack si Neysi at bumagsak. Nang makita ng kanyang pamilya na bumubula ang kanyang bibig,  nagpatawag sila ng pari.

Ayon sa pari ay sinasaniban umano ng masamang espiritu si Neysi kaya sinubukan niya itong paalisin sa katawan ng dalaga.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Ilang minuto pa ang lumipas ay hindi nagtagumpay ang pari sa kanyang ginawa kaya nagdesisyon na ang pamilya ni Neysi na dalhin siya sa ospital.

Subalit huli na ang lahat. Idineklara ng patay ng mga doktor si Neysi.

Suot ni Neysi sa burol ang kanyang wedding gown na ginamit sa kanilang kasal ng asawang si Rudy Gonzales ilang buwan lang ang nakakalipas.

Isang araw pagkatapos ng kanyang libing, agad na dinalaw ni Rudy ang puntod ng kanyang asawa at nakarinig siya ng kalampag at sigaw na galing sa loob ng ‘concrete tomb.’

Talagang nagulat raw si Rudy sa kanyang nasaksihan.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

 “As I put my hand on her tomb I could hear noises inside. I heard banging, then I heard a voice. She was screaming for help,” kwento ni Rudy.

Humingi ng tulong si Rudy kay Jesus Villanueva, isang worker sa sementeryo, upang basagin ang libingan ng kanyang asawa.

"I heard screams, but I wasn't sure if they were coming from the tomb or elsewhere,” kwento ni Jesus sa isang interview.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Gamit ang isang sledgehammer, winasak nila ang libingan ni Neysi at agad na tinanggal ang kabaong nito sa loob.

Family members and local townsfolk smashed desperately and broke through the concrete block tomb where they buried,” sabi sa isang report.

It had already been a day since we buried her. I couldn’t believe it. I was ecstatic, full of hope,” sabi ni Rudy.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

"I heard banging, then I heard her voice. She was screaming for help,” kwento naman ni Maria, ang ina ni Neysi.

"I moved her, she spilled water with blood, she didn't have bad odour, she had normal body temperature,” sabi naman ni Gladys, kapatid ni Neysi.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Ang salamin sa kabaong ay nabasag at makikita rin ang ilang mga galos sa daliri at kamay ni Neysi.

Dinala nila ang kabaong ng dalaga at agad na isinakay sa isang truck upang dalhin sa pinakamalapit na ospital. 

 “The whole family rushed in, almost breaking the door down, carrying the girl in her casket.” sabi ni Doktor Claudia Lopez.

Sinubukan siyang i-revive ng mga doktor ngunit sa kabila ng lahat ng kanilang ginawa ay idineklara pa ring “clinically dead” si Neysi.

Ayon sa mga doktor, maaaring imahinasyon lamang ng pamilya ni Neysi ang kanilang mga narinig dulot ng kanilang pagdadalamhati at pagluluksa.

Subalit hindi naman nila maipaliwang kung bakit nabasag ang salamin sa kabaong ng dalaga at kung bakit mayroon itong mga galos sa kamay at daliri.

Ayon sa usap-usapan, maaaring talagang buhay pa si Neysi noong inilibing ito at nang magising ito ay sinubukan niyang kumawala sa kanyang kabaong.

Ayon rin sa local media, maaaring nagkaroon si Neysi ng “cataplexy attack.” Ito ay ang pagkakaroon ng panic attack dulot ng matinding stress kung saan magkakaroon ng muscle paralysis at pansamantalang paghinto ng tibok ng puso.

Muli namang ibinalik ang katawan ng dalaga sa kanyang puntod.


***
Source: TMZ

Post a Comment

0 Comments